DALAWA ang magiging katunggali sa pagka-alkalde sa Quezon City ni incumbent Mayor Joy Belmonte sa midterm elections sa Mayo 2025.
Makakalaban ni Belmonte ang 63-anyos na si Diosdado Velasco, construction supervisor at/o kapatas at ang dating mamamahayag na si Roland Jota.
Ito ang ‘ikatlong termino’ ni Jota bilang katunggali ng Alkalde.
Si Belmonte ay nag-file ng certificate of candidacy (COC) sa unang araw ng paghahain ng kandidatura nitong 1 Oktubre.
Ayon kay Velasco, dadagdagan umano niya ng 500 ang 142 barangays sa lungsod para matutukan ang malaking bilang ng mga residente sa pinakamalaking siyudad sa Metro Manila.
Isang taxi driver na dating konsehal ng barangay sa District 5 na si Dante Villarta ang naghain naman ng COC para sa pagka-bise alkalde na ang makakalaban niya ay si incumbent Vice Mayor Gian Sotto. (ALMAR DANGUILAN)