Saturday , November 23 2024
Pinky Amador Jillian Ward

Pinky sa paboritong eksena sa AKNP — confrontation sa APEX, kinalaban ko silang lahat

RATED R
ni Rommel Gonzales

FINALE na sa Oktubre 19 ang Abot Kamay Na Pangarap.

Isa si Moira/Morgana sa mga main character ng GMA series na ginampanan ng mahusay na si Pinky Amador.

Sino o ano ang pinaka-mami-miss niya sa Abot Kamay Na Pangarap?

Ay, lahat, lahat, mami-miss ko silang lahat,” pakli ni Pinky. “Kasi the experience of being in ‘Abot Kamay na Pangarap’ for two years and counting, is really as a home.

“Kasi ako lagi kong ina-attribute ‘yung atmosphere ng isang set, sa direktor, unang-una, creative team, and your lead actors.

“Sino ba lead actors namin? Si Jillian Ward, si Carmina Villarroel, at si Richard Yap. Wala ni isa riyan ang may sungay, wala ni isa riyan ang masama ugali.

“They are very generous, very intelligent, and very sarap to be with. Kaya ayun, parang nahahawa na rin kami sa kanila, kung ganoon sila kabait, eh sino ba naman kami, ‘di ba?

“I think, ‘yung respeto namin sa isa’t isa. Kumbaga ano na rin eh, tanggap na namin ang isa’t isa, para bang pamilya. ‘Di ba, wala namang perpektong pamilya, walang perpektong cast, walang perpektong samahan?

“Pero dahil sa tagal ng panahon, napilitan na kaming tanggapin ang isa’t isa, ‘di ba? ‘Pag may nagagalit, may mainit ang ulo, ‘Ah okay, o sige’, ganoon lang.”

Tinanong namin si Pinky kung ano ang eksena niya sa buong run ng show ang hinding-hindi niya makalilimutan?

Ay napakadami,” pakli niya. “There was one scene, ‘yung confrontation ni Moira at ng buong APEX [Medical Center], na noong nabuko nila na ako ‘yung nagtulak kay RJ [Richard] sa hagdanan.

“So, ang ka-confront ko noon is si RJ, si Zoey [Kazel Kinouchi], si Giselle [Dina Bonnevie], si Lyneth [Carmina], si Analyn [Jillian], si Doc Katie [Che Ramos-Cosio], si Doc Ray [Chuckie Dreyfus], si Justine [Klea Pineda].

“Lahat sila kalaban ko, and that scene…it was, I think it was eight to 13 scenes and we shot it for four hours. Tapos, ang gustong atake ni direk [LA Madridejos] is hindi lang ako nakikipag-away.

“May time na nagmamakaawa ako, may time na naiiyak ako dahil hindi ko masabi ang katotohanan na mabubulgar kasi ‘yung anak ko.

“Kumbaga ginawa ko ‘yun to protect my daughter, and ‘yun din ang gusto kong… iyon ang one of the things that I love about Moira, even if she’s so despicable, is her love for her daughter.

“Kahit ano gagawin niya para sa anak niya. So, ‘yung mother’s instinct, nandoon din talaga.”

Hindi siya pure evil lang naman.

Hindi lang,” pagsang-ayon ni Pinky. “Wala naman talagang ganoon na tao, ‘di ba? So, lahat tayo, kumbaga may ipinaglalaban.

“For me, ipinaglalaban ni Moira, ‘yung kapakanan niyong anak niya.”

About Rommel Gonzales

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …