Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Ji-Soo Mujigae Seoul Mates Mimi Juareza

Kim Ji Soo nakagawa na ng pelikula sa ‘Pinas 10 yrs ago

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAMANG ay marami ang magugulat kapag nalamang ten years ago pa ay nakagawa na ng pelikulang Filipino ang sikat na South Korean actor na si Kim Ji-Soo Ji Soo.

Ang tinutukoy namin ay ang LGBTQ film na Seoul Mates na ang “kapareha” ng Korean actor ay ang Pinoy transgender actor na si Mimi Juareza.

Kasali ito bilang isa sa entries sa Cinema One Originals noong 2014 na gumanap si Mimi bilang isang transwoman na may karelasyong Koreano na ipinagpalit siya sa isang Koreana at si Ji Soo naman bilang isang gay Korean musician na ang karelasyon ay ikakasal sa iba.

Fast forward to 2024, natagpuan ni Ji Soo ang bagong kabanata ng buhay niya bilang isang aktor at kasalukuyang gumagawa ng pangalan dito sa Pilipinas.

Sa limang buwan niyang pamamalagi sa bansa ay tatlong proyekto na ang nagawa niya—bilang Sparkle artist ay napanood siya sa Black Rider at sa ngayon ay napapanood bilang si Dr. Kim Young na love interest ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward) sa toprating GMA series na Abot Kamay Na Pangarap na magtatapos na sa October 19.

Male lead naman siya sa pelikulang Mujigae kasama ang mga lead actress na sina Alexa Ilacad at child star Ryrie Sophia sa papel ng bidang karakter na si Mujigae.  

Sa Mujigae ay gumaganap si Ji Soo bilang si Ji Sung Park kasama sina Alexa bilang si Sunny at ang bidang batang aktres na si Ryrie bilang si Mujigae. 

Nasa pelikula rin si Rufa Mae Quinto at sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariaga, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, at Peewee O’Hara.

Idinirehe ni Randolph Longjas at sa panulat ni Mark Raywin Tome, mula sa produksiyon ng UxS (Unitel x Straightshooters) at ng producer na si Madonna Tarrayo at palabas exclusively sa mga SM cinemas simula October 9.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …