RATED R
ni Rommel Gonzales
UNANG beses na gumanap si Alexa Ilacad sa papel na malapit sa pagiging isang ina.
Ito ay sa pelikulang Mujigae na gumaganap siya bilang si Sunny, guardian ng batang si Mujigae played by Ryrie Sophia.
Lahad ni Alexa, “I think it is my first, coz I’ve done a little more mature roles, like sa ugali-wise mature but ngayon lang po ‘yung sort of mother/guardian type.
“My preparation? Well, ang una po kasi ‘yung character ni Sunny ayaw talaga niya sa responsibilidad ng pag-aalaga ng isang bata, masungit, mainit ang ulo palagi, medyo nakare-relate naman po ako roon ng slight,” at tumawa si Alexa. “Hindi joke lang.
“Pero it wasn’t that hard for me rin naman po to prepare, kasi as the days would go by, mas napapalapit din ako kay Ryrie, so the relationship, how it grew, how we bonded, it was very natural, and it just really happened.
“And sobrang ginuide lang din ako ni direk na ‘yung maibigay ko ‘yung natural lang, ‘yung normal lang.
“Kasi overthinker po ako ng slight, so roon ako tinulungan ni direk, na maibigay ko ‘yung best ko and hopefully lumabas siya and hopefully iyon din po ‘yung makita ng mga tao kapag nanood sila.”
Ipapalabas ngayong October 9 sa mga SM cinema, ang Mujigae ay idinirehe ni Randolph Longjas at sa panulat ni Mark Raywin Tome.
Nasa pelikula rin, na mula sa produksiyon ng UxS (Unitel x Straightshooters) at ng producer na si Madonna Tarrayo sina Rufa Mae Quinto, Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariage, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, at Peewee O’Hara.
Lead male star dito si Kim Ji-Soo, ang South Korean actor na isa sa mga bida sa hit K-drama series na Strong Girl Bong-soon.