Wednesday , November 20 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIG
ni Bong Ramos

MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt sa Sta. Cruz, Maynila hanggang sa Aurora Boulevard malapit na sa Chinese General Hospital.

Madaling-araw pa lang ay sarado na ang nasabing kalye dahil sa sandamakmak na mga vendor na nakalatag hindi lang sa mga bangketa kundi sa mismong gitna ng kalsada at center island.

Bukod sa mga vendors, naging himpilan na rin ito ng mga tricycle, pedicab, at mga kuliglig na para bang sa kanila ang buong kalye. Kanya-kanyang mga kanto na parang naging legal nilang mga terminal.

Ang dating maluwag na kalye na kumbaga ay puwedeng maglaro ng patintero at tumbang-preso ay barado nang muli. Hindi na naman ito maraanan ng kahit anong uri ng sasakyan na kung sakaling makaraan ay usad pagong naman.

Ganoon din ang mga pedestrian at mga mamimili. Sa kalye na rin mismo sila nagdaraan imbes sa bangketa na inokupahan na rin ng mga vendor.

Parang libre at legal na magtinda sila rito. Walang nakikialam, paagaw kumbaga. Mantakin ninyong sa mismong kalye na nakalatag ang kani-kanilang kalakal na minsa’y nasa bilao, kariton, at ang iba nama’y sasapinan lang ng tela o plastic ay talo-talo na.

Mukhang walang silbi ang Blumentritt detachment na sipat na sipat ang kalakaran at galaw ng mga tao sa nasabing lugar.

Ganito raw talaga ang nagiging situwasyon kapag malapit na ang halalan dahil namomolitika na raw ang mga kakandidato.

Nandiyan na ang chika-chikahan, utuan at pasakayan sa isa’t isa dahil sila ang humihingi ng pabor. Malaking bilang nga naman ang mga botanteng vendors kaya kailangan nilang suyuin.

Kung sa bagay, minsan lang kung lumapit ang mga politiko ngunit kapag natapos ang eleksiyon ay siguradong hindi na sila makikita at matatagpuan.

Kung ikokompara natin sa mga nakaraang administrasyon partikular sa detachment commander ay parang malayo ang bagong upo na pinamumunuan ng isang Major.

Dati’y maluwag ang trapiko ng mga sasakyan maging ang mga pedestrian ay malayang naglalakad sa bangketa’t kalsada.

Kung dati ay puwede kang maglaro ng patintero at tumbang-preso, ngayon ay taguan-pong na lang ang puwedeng laruin dahil sa kapal ng mga tao at vendor sa kalye.

Hindi naman sinasabing walang vendors noong mga nakalipas na panahon, meron din, dangan nga lang ay disiplinado sila at hindi nakabalagbag sa gitna ng kalye, alam nila ang kanilang limitasyon.

Napanatili ng pulisya ang kaayusan at limitasyon ng mga vendor pati na ang kanilang hangganan.

Kada media hora ay may umiikot na mobile at mga pulis na nagbibigay ng hudyat kung sila ay lumalagpas sa takdang lugar na ibinigay sa kanila.

Meron din namang mga pulis na nag-iikot ngayon , hindi lang natin alam kung anong klaseng ikot ang gina-gawa.

In fairness naman sa ating mga kaibigang mga pulis, sinasabi ng marami na talagang pinahihintulutan daw ang mga vendor ng ilang politiko sa Manila city hall kabilang ang ilang kongresista.

Kumbaga ay wala nang masyadong power ang ating mga pulis sa isyung ito dahil binigyan din nga sila ng utos na galing sa kanilang superyor at sa mga opisyal ng city hall, magkano?

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …