RATED R
ni Rommel Gonzales
KINUMUSTA namin kay Pinky Amador ang naging journey niya sa Abot Kamay Na Pangarap.
“Ay naku, isa sa pinakamasaya, pinakamahirap, pinaka-challenging, and pinaka-rewarding,” bulalas ng mahusay na aktres.
Sa serye na magtatapod na sa October 19, ay dual role ang ginampanan ni Pinky. Una ay ang kontrabidang si Moira Tanyag, na noong kunwari ay namatay ay nag-resurface naman ang “kakambal” nitong si Morgana Go.
Sino ang mas hirap i-portray si Moira o si Morgana, tanong namin.
“I think Moira, kasi si Morgana kasi since nag-a-assume lang siya ng identity, hindi siya makatodong kontrabida, kasi baka mabuko siya.
“Hindi siya… siya talaga si Moira na nagpapanggap lamang. The moment na gumawa siya ng bagay na masama, siya pagbibintangan, so kapag pinagbintangan siya at naimbestigahan siya, mabubuko siya ngayon.
“So, mabubuko na siya pala si Moira na may mga kaso, may mga pending, makukulong siya.
“So, kumbaga ‘yung pagka-ano niya, limited lang. Pero pareho rin naman na mahirap kasi si Morgana na ‘yung lumaki ako sa farm, nasa pig pen, mga ganoon, mga muntik na ako mahimatay.
“Physically, very challenging siya,” lahad pa ni Pinky.
At bilang si Morgana, nag-trending si Pinky dahil inihawig ang naturang karakter sa kontrobersiyal na dating Mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Aware naman si Pinky tungkol dito.
Aniya, “Yes, oo. Actually, ito ‘yung kuwento sa akin ng producers, tinanong ko si direk [LA Madridejos] kasi. Sabi ko, pinag-uusapan kasi nila, alam naman nilang may kontrata ako sa Singapore, so alam naman nilang hindi ako totally mamamatay.
“So, nag-iisip sila ng paraan para makabalik si Moira.
“So in the story, mamamatay kuno, so nag-iisip sila, paano natin pababalikin si Moira?
“So, isa sa mga naisip nila is stolen identity, so nandoon na ‘yung thought balloon na stolen identity, sabay sumabog ‘yung issue sa Senado.
“So sabi nila, ito na ‘yun, nangyayari na ng totoo, why can’t we use it? It’s happening in real life.”
May natanguan kasing play si Pinky sa Singapore kaya nagkabasyon siya sa AKNP.