Sunday , November 24 2024
LA Santos Kira Balinger

LA at Kira epektibo sa heartfelt OFW film na Maple Leaf Dreams

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUMIDA ang award-winning actor, singer, at songwriter, LA Santos kasama ang screen sweetheart na si Kira Balinger sa Maple Leaf Dreams. Sa Star Magic’s Spotlight presscon nag-share sila ng kanilang mga experiences habang ginagawa ang pelikula.

Mula sa matagumpay na Lolo and the Kid, ipinakilala ng writer-director Benedict Mique ang heartfelt OFW Film na halos 80 percent nito ay kuha sa Toronto, Canada.

Ani LA sa experience sa shoot,  “Hindi namin makakalimutan ni Kira ‘yung mga nakasama naming OFW doon sa Canada kasi grabe ‘yung hospitality nila. Grabe ‘yung pagkabait nila talaga.”

Nakatanggap ng Best Supporting Actor awards is LA mula sa Film Academy of the Philippines (FAP), FAMAS and Star Awards for Movies para sa kanyang previous film na In His Mother’s Eyes.

Ngayon, binigyang buhay ni LA ang character ni Macky–isang restaurant manager na pumayag sa plano ng kanyang girlfriend na magmigrate sa Canada. Magkasama nilang hinarap ang mga challenge ng buhay habang nasa abroad.

“Alam kong hindi lang para sa pamilya ko ito, para sa mga Filipino na rin ito na may OFW families,” sabi ni LA nang tanungin kung para kanino ang pelikula.

Ginagampanan naman ni Kira ang character ni Molly, ang girlfriend ni Macky. Masasabing isa ito sa mga pinaka-naging challenging role ni Kira dahil sa pinagdaanang emotional journey ng kanyang character.

“I think the hardest part is really wanting to do the OFW role properly–with all honesty kung gaano talaga kabigat ‘yung buhay OFW,” sagot ni Kira matapos tanungin kung saan siya pinaka-nahirapan sa paggawa ng pelikula.

Para magbigyang justice ang kani-kanilang role, nag-immersion sina LA at Kira para mas maramdaman ng viewers ang istorya nina Macky at Molly.

“I’m gonna do my best for Macky, na ma-represent kayo ng maayos kasi ‘yun lang din ‘yung gusto ko as an actor–‘yung mai-represent ‘yung mga tao. I hope ‘yung mga OFW, kahit paano mapasaya kayo ng movie namin ni Kira.” mensahe ni LA para sa mga OFW. 

Ipinrodyus by 7k Entertainment at Loneworld FIlms, ang Maple Leaf Dreams ay mapapanood nationwide at magkakaroon din ng screening sa Canada.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …