PORMAL nang iniharap sa publiko nina Manila Mayor Honey Lacuna at VM Yul Servo Nieto ang powerhouse lineup ng Asenso Manileno para sa darating na 2025 Election.
Powerhouse lineup ng Asenso Manileño sa 2025 local poll iprinoklama
Namuno sa lineup ng Asenso Manileño ang re-electionists na tambalan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, Kasama ang kanilang partido para sa anim na distritong kinabibilangan ng Kongreso at 36 na upuan sa Konseho ng Maynila.
Sa naganap na pag-convene ng Asenso Manileño sa San Andres Sports Complex Biyernes ng hapon ay sinundan ito ng pormal na programa dakong alas-3 ng hapon.
Dito na ibinandera sa publiko at ipinakilala ni Party President Mayor Honey Lacuna sa convention na si Manny Lopez ang kanilang opisyal na kandidato para sa Manila First District Congressman.
Nabatid na si Lopez ay isa sa pinakabagong miyembro ng Asenso Manileño, anak ni dating Manila Mayor Mel Lopez at Manila First District Congressman na nanungkulan mula 2016 hanggang 2022.
Samantala, Ang lahat ng “sikat” na limang House committee chairpersons naman ay kapwa mula sa partidong Asenso na kinabibilangan nina :Rep. Rolando Valeriano (2nd District of Manila), Chair of the Committee on Metro Manila Development; Rep. Joel Chua (3rd District of Manila), Chair of the Committee on Good Government and Public Accountability; Rep. Edward Maceda (4th District of Manila), Chair of the Revision of Laws Committee; Rep. Irwin Tieng (5th District of Manila), Chair of the Banks and Financial Intermediaries Committee and Rep. Benny Abante (6th District of Manila), Chair of the Committee on Human Rights.
Pormal na iniharap nina Mayora Lacuna at VM Servo ang kanilang powerhouse line up ng Asenso Manileño para sa Konseho ng Maynila.
Inanunsyo para sa distrito uno :Atty.Eugene Santiago, Peter Ong, Marjun Isidro, Niño Dela Cruz, MC Bobby Lim.
Para naman sa ikalawang distrito ay sina Dr. J. Buenaventura, Ninong Rod Lacsamana, Roma Robles, Uno Lim, Marc Lacson, Director David Chua.
Bagyo rin anila na ituturing ang ng tiket ng distrito tres sa pangunguna nina Fa Fuguso, Atty. Jong Isip, Maile Atienza, Karen Alibarbar, Jeff Lau,
Buo naman ang lineup ng anim na kandidato sa pagka-Konsehal para sa ika-4 distrito na sina Roy Bacani, Dra Dianne Nieto, Director Bong Marzan, Chairman Freddie Bucad, Science Reyes, Christianq Floirendo
Dalawang naman para sa konseho sa District 5 ay sina Bel Isip at Charry Ortega,
Solido rin anila ang tatlong kandidato ng distrito 6 na sina Doc. Francis Olazo, Fog Abante at Philip Lacuna
Napagalaman na sa kasalukuyang Konseho ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ay mayorya ng miyembro o 20 mga konsehal sa anim na distrito ng Maynila ay solidong miyembro na nagmula sa Asenso Manileño bloc. (BRIAN BILASANO)