Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pinky Amador

Pinky pinatay na binuhay pa sa serye ng GMA

RATED R
ni Rommel Gonzales

PANSAMANTALANG nawala sa Abot Kamay Na Pangarap si Pinky Amador dahil sa isang prior commitment sa Singapore.

I was in Singapore for seven weeks. Kaya talagang kailangan ‘mamatay’ talaga si Moira,” pagtukoy niya sa kanyang karakter sa toprating serye ng GMA.

Buti pinayagan siya ng GMA?

Oo, kasi noong ipinaalam ko ‘yun last year pa, 2023, iyon ‘yung time na hanggang January 2024 pa lang kami. So ang paalam ko is May.

“Sabi ko, kahit ma-extend pa ‘yan ng February, or March, or April, pasok pa ako, eh na-extend hanggang June 30.

“So sabi ko, eto na, hanggang sa huli, tinatanong nila ako, ‘Tuloy ba ‘yan?’ Eh wala, naka-sign na ako ng kontrata.

“At saka alam naman natin, Singapore iyon.”

Isang play ang naging proyekto ni Pinky sa naturang bansa.

“‘Who’s Afraid of Virginia Woolf.’ I was the woman playing Martha. It’s about an older couple and a younger couple. Apat lang kami roon.

“It’s a movie with Elizabeth Taylor and Richard Burton, and recently, in the ‘West End,’ ginampanan ni Imelda Staunton, ‘yung nag-play ng the queen sa ‘The Crown.’”

So dahil talagang malakas si Moira at si Morgana, nagawan ng paraan na makabalik si Pinky sa serye.

Yes po,” bulalas niya. “I’m very…ako super thankful ako roon, kasi tanggap ko na kung patayin nila ako, hindi na nila ako pabalikin.

“Tanggap ko ‘yun kasi pumirma ako ng kontrata, hindi ko naman alam na extended, and siyempre creative choice nila ‘yun.

“Pero for… the fact na ibinalik nila ako, hindi ‘yun nangyayari every day, so talagang sobrang, sobrang pasasalamat ko.

“Kasi hindi lang siya trabaho, ano siya eh, trabaho na you go to work with people that you really love working with, that you have respect for, co-actors that are intelligent, that are generous, and that get along,” lahad pa ni Pinky.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …