RATED R
ni Rommel Gonzales
SUNOD-SUNOD ang acting projects ni Kim Ji-Soo matapos pumirma bilang Sparkle artist.
Unang napanood ang Kapuso Oppa sa GMA Network action drama series na Black Rider na marami ang bumilib sa pagganap bilang Adrian Park. Naging Red Carpet Scene Stealer Awardee rin siya sa GMA Gala 2024. Malapit na ring ipalabas ang kanyang kauna-unahang Filipino movie na Mujigaekasama sina Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Lito Pimentel at marami pang iba.
Hindi lang sa TV at pelikula makikita si Kim Ji-Soo dahil kamakailan ay inilabas na ang ilang episode ng kaniyang YouTube vlog na Jisoo Road at naging active rin siya sa TikTok para mas lalo pang mapalapit sa kanyang fans.
Dahil sa init ng suporta ng fans sa Kapuso Oppa ay ipinagpapatuloy niya ang career sa bansa sa kabila ng mga isyung hinarap niya simula pa noong 2021. Paglilinaw ng South Korean actor, nakausap at nakipag-ayos na siya sa mga taong involved sa school violence issue habang wala namang katotohanan ang alegasyong sexual assault.
Nananatiling focused at determinado si Kim Ji-Soo sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa kanyang fans. Aniya, “I am truly grateful for the opportunities I’ve had here. The support from my Filipino fans has been overwhelming, and there is so much more I want to accomplish.”
Kinakikiligan naman ngayon ang tambalan nila ni Kapuso actress Jillian Ward nang mapabilang siya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Doc Kim Young.
Kamakailan ay ibinahagi ng Korean actor na mas relax at komportable na siya sa set sa tulong na rin ni Jillian.