Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angela Morena Butas

Angela kabado pa rin sa mga Vivamax project

RATED R
ni Rommel Gonzales

NOONG baguhan pa lamang si Angela Morena ay kita ang pagiging mahiyain nito, pero sa ngayon, naroroon na ang confidence niya bilang isang Vivamax actress.

Ibig bang sabihin ay mas madali na para sa kanya ang gumawa ng mga daring na projects at characters?

The answer is no,” at tumawa si Angela. “Hindi po talaga madali at everytime na nagkakaroon ako ng project or ng bagong character na nakikilala andoon pa rin ‘yung kaba.

“And hindi ko magagawa ang lahat ng ito kundi dahil sa production, sa direktor, and especially Viva.”

Samantala, masaya si Angela na makatrabaho sa unang pagkakataon ang direktor na si Dado Lumibao para sa Butas ng Vivamax.

Lahad ni Angela, “Ang dami kong na-discover at natutunan. Isa ‘yun sa ano, dahil writer siya, siya ‘yung nagsulat nito, talagang very strict siya pagdating sa dayalog and everything.

“Eh ako as an actor mahilig akong mag-adlib pero since itong ‘Butas’ it’s a teamwork, it’s a collaboration, at sobrang natuwa ako kasi si direk Dado sobrang taas ng respeto niya pagdating sa mga Vivamax actor.

“Hindi lang sa amin pero ikinukuwento niya, sinasabi niya na, ‘Ang taas ng respeto ko sa inyo!’”

Nakilala si direk Dado bilang writer at direktor ng mga romance at drama projects sa ABS-CBN at una niyang Vivamax project ang Butas.

Gumaganap bilang si Mayette, kasama ni Angela sa Butas sina Albie Casiño bilang Noel at JD Aguas bilang Benjie.

Nasa Butas din si Angelica Hart at available na ito for streaming sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …