Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
BINI Born To Win Docuseries

BINI nagpa-iyak sa Born To Win Docuseries

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATINDING hirap pala ang pinagdaanan ng Nation’s Girl Group na BINI bago sumikat. Kaya dumating sa puntong halos hindi nakayanan ng ilan sa kanila ang kasikatang tinatamasa ngayon.

Mas naintindihan din namin kung bakit kung minsan gusto nila ng privacy. Sa totoo lang maraming tagpo sa docuseries ang nakakaiyak. Isa-isa kasing ikinuwento ng walo ang hirap na pinagdaanan nila kaya for sure sinuman ang makapanood ay maiiyak din.

Malaking tulong ang pagpapalabas ng docuseries ng BINI na mapapanood ng libre sa iWantTFC simula Setyembre 26 (Huwebes). Tampok sa docuseries ang pagbabalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanang sakripisyo bago matunton ang tinatamasang tagumpay bilang Nation’s Girl Group sa first chapter nitong Born to Win.

Ipinrodyus katuwang ang ABS-CBN News at Star Magic, iikot ang dokyuserye sa pagsibol ng BINI sa music scene na may hatid na exclusive footage sa kanilang kauna-unahang major concert na BINIverse.

Sa ika-una nitong chapter na Born to Win, mas makikilala ng mga manonood ang mga miyembro nitong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena bago ang kanilang BINI days.

Ipakikita rin sa docuseries ang kanilang mga pinagdaanang hirap para maabot ang pinapangarap na makagawa ng sariling pangalan sa industriya bilang Nation’s Girl Group na nagbigay-buhay sa kanilang hits na Born to Win, Na Na Na, Lagi-Lagi,” Pantropiko, at iba pa.

Bago ang inaabangang premiere, sinorpresa muna nina Mikha, Colet, Maloi, at Jhoanna ang kanilang minamahal na BLOOMs sa naganap na advance screening nito sa Gateway Cineplex noong Lunes (Setyembre 23). Anila, labis ang kanilang pasasalamat sa ipinadamang pagmamahal at suporta ng mga ito.

Balikan ang kanilang pakikipagsapalaran bilang Nation’s Girl Group sa BINI Chapter 1: Born to Win, na mapapanood ng libre at on-demand sa iWantTFC.comat sa official app nito (available sa iOS at Android). Abangan din ang mga susunod nitong episode na malapit ding ipalabas sa iWantTFC.

Mag-register lang sa iWantTFC.com para makapanood ng libre saan man sa ‘Pinas. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …