Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Romnick Sarmenta

Romnick naaawa sa mga teenstar na biktima ng bashing

RATED R
ni Rommel Gonzales

DATING sikat na male teenstar si Romnick Sarmenta.

At nakaka-happy na till now ay aktibo si Romnick sa showbiz at nagbibida pa.

Bida si Romnick sa MAKA na incidentally ay youth-oriented show ng GMA.

Natanong si Romnick kung ano ang pagkakaiba nila noon sa mga co-star nila ngayong Gen Z na kasama nila sa MAKA tulad ng mga Sparkle star na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, at mga Sparkle teen talents na sina Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty Videla (mula sa K-Pop group na Lapillus), Sean Lucas, at May Ann Basa, na kilala bilang si Bangus Girl.

Wala kaming social media, number one,” unang sinabi ni Romnick.

We were not open to faceless comments.

“Kasi… ito sinasabi ko sa lahat, ‘yung mga batang ito masyado silang susceptible to bashers, to negative comments.

“And gustuhin man natin o hindi, ite-text, eh! And that’s the sad part because none of these matter.

“Sorry, I’m not trying to sound irreverent or anything.

“Pero ‘yung panahon namin, people are brave enough to come to our face and say they don’t like us.

“And I appreciate that. Kasi alam mo ‘yung ginagawa mo at ‘yung sinasabi mo sa akin at hindi ka natatakot, so that’s really your opinion.

“And I can respect that.

“Pero ngayon ‘yung nangyayari sa social media may nagko-comment para lang may masabi, and they bash people they don’t know anything about.

“Or they have never worked with, or have never met, and it affects them,” pagtukoy ni Romnick sa mga teenstar na biktima madalas na bashing.

Pagpapatuloy pa ni Romnick, “Ako as a parent I hate it. Naaawa ako sa mga anak ko kapag nakatatanggap ng ganoon.”

Nahingan din si Romnick ng payo sa mga young star ngayon.

Kilalanin mo ang sarili mo. Kung ano ‘yung pinakamagandang version mo, para sa iyo, iyon ang i-pursue mo.


“Kung anuman ang sabihin at paniwalaan ng ibang tao, labas ka na roon. Basta gawin mo kung sino ka. And you’ll be happy with it.”

Nasa cast din ng MAKA sina Tina Paner, Maricar de Mesa, at Sharmaine Arnaiz na tulad ni Romnick ay mga naging miyembro ng show ng yumaong Master Showman na si German Moreno Kuya Germs.

Napapanood tuwing Sabado, 4:45 p.m., ang MAKA na idinirehe ni Rod Marmol at nagtatampok din kay May Anne Basa at Ms. Carmen Soriano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …