Friday , November 22 2024
John Clifford

John Clifford ayaw ng shortcuts — Pinaghirapan ko po lahat ng kung anong mayroon ako ngayon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BATANG Promil pala ang isa sa bida sa MAKA ng GMA, si John Clifford na pitong taon pa lang ay nasa showbiz na. Una siyang sumubok sa showbiz nang sumali sa Promil I-Shine Talent Camp ng ABS-CBN at pagkaraan ay naging Star Magic talent din. Hindi lang siya pumirma ng kontrata noon sa Kapamilya dahil gusto ng network na rito siya sa Manila pumirme na hindi naman puwede dahil taga-Cebu sila.

At dahil bata pa hindi pa siya ganoon ka-desidido sa pag-aartista.

Pagkaraan ay dumagsa ang commercial project at nang mapunta sa GMA at maging Sparkle Talent (na may limang taon siyang kontrata) nakasama siya sa Maka, ang Gen Z series ng Kapuso.

Masaya si Clifford sa positive feedback ng kanilang serye na anito’y ipinagdasal niya para makasama siya.

Sa pakikipag-usap namin kay John Clifford nang hindi sinasadyang makita sa isang food chain kasama ang inang si Mommy Pie naibahagi nga nito ang ukol sa serye. Napansin din namin na may hawig ito kay Patrick Garcia kaya hindi malayong mapansin din siya lalo’t maganda ang role niya sa Maka.

Masuwerte si Clifford dahil hindi niya kailangang kumbinsehin o mahirapang magpaalam para siya mag-artista. Suportado kasi ng kanyang pamilya ang pag-aartista niya. 

“Growing up, eversince bata ako parang I learned na mahalin ang industry na ito at saka gusto ko talagang maging aktor,” pagbabahagi ni Clifford nang matanong bakit nag-artista gayung may kaya ang pamilya niya sa Cebu.

At noong nasa Star Magic siya idol niya sina Piolo Pascual at Daniel Padilla na madalas daw niyang makita noon. “Naging inspirasyon ko rin sila para talagang mahalin ang industry na ito,” ani Clifford.

Aminado si John Clifford na nahirapan siya lalo noong mag-uumpisa pa lang siya sa showbiz. “Lalo na po sa pagsasalita ng Tagalog, nahirapan ako. May time na kailangang i-break ang boundaries ko kasi when it come to acting hindi ko kasi kaya umarte kasi siguro dahil bata pa nga at laro ang gusto. Pero nag-workshop ako para ma-improve ang acting ko.”

Gusto ni Clifford na malinya sa drama-romance at in the future gusto niyang masubukan ang action, horror.

Naikuwento rin ni Clifford na wala pala silang kakilala bago sila napasok sa showbiz. Kaya ang tinatamasang magandang takbo ng career ngayon ng binata ay sanhi ng pagtyatyaga.

Ayaw ko rin kasi ng shortcuts sa industry na kaya nagka-project dahil may mga connection. I don’t think ginamit ko ‘yun. Bago ako nakapasok sa Sparkle nag-audition ako kay Mr Johnny Manahan na ipinakita ko talaga mga talent ko. Pati sa mga show ko sa GMA nag-audition ako.

“Rito sa ‘Maka,’ nag-audition ako, sobrang dami namin kaya ginalingan ko talaga kasi isa ‘yun sa dream role ko at super happy ako. Pinaghirapan ko lahat kumbaga para makuha kung ano ang mayroon ako ngayon. At very thankful ako na nakasama ako. Sa totoo lang hindi po ako makapaniwala na kasama ako sa Maka,” tuloy-tuloy na turan pa ni Clifford.

At sa ilang taon na ni Clifford sa showbiz satisfied siya sa takbo ng kanyang career.

Opo sobrang happy ako sa mga opportunities na dumarating lalo na itong ‘Maka.’  At sa daming artistang pumapasok napaka-suwerte ko po na mapansin,” wika pa ni John Clifford.

First love ni Clifford ang singing ito ang talagang gusto niyang gawin noong una. Pero nang masubukan niya ang pag-arte, “Gusto ko pong pagsabayin ang dalawa—singing at acting.”

Gumaganap si John Clifford bilang si JC Serrano, isang make-up artist sa isang punenarya, na family business nila. 

At dahil musical din ang Maka, tamang-tama ang serye sa binata dahil maipakikita niya rin ang talent sa pagkanta.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …