SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MASASAKSIHAN na ang awardwinning Lifestyle and Travel show, I Heart PH sa kanilang bagong tahanan sa GMA network via GTV simula sa Linggo (Sept. 22), 10:00 a.m. hosted by Valerie Tan with co-host Rovilson Fernandez.
Ipakikita sa I Heart PH ang ganda ng Pilipinas at tumutulong sa pag-unlad ng turismo sa bansa sa campaign nitong Love The Philippines.
“Our country is blessed with amazingly beautiful natural resources and environment,” ani TV8 Media Business Unit Head Vanessa Verzosa.
Dagdag pa nito, “That’s why we never run out of features. There are still more beautiful places that have never been feautured in the mainstream media . And we want to showcase them through our program.”
Labis-labis naman ang kasiyahan ni Valerie sa kanyang pagbabalik sa unang naging tahanan, ang GMA 7 QTV na ngayon ay GTV na nang manalo siya sa May Trabaho Ka at nagkaroon ng pagkakataong makapagsimula bilang TV host.
Ani Valerie, “I will be forever grateful to GMA, The Network paved the way to my dream job as I get to do what I love since I was a kid. Now, I get to travel around, seeing beautiful places and meeting people from all walks of life. Connecting with them, and sharing their stories to our viewers.”
At sa kanilang bagong season, dadalhin tayo ng I Heart PH sa iba’t ibang magagandang lugar sa bansa katulad ng Bohol na kilalang-kilala sa kanilang Chocolate Hills, Tarsiers, heritage sites, old stone churches at iba pang natural and man-made wonders.
“Bohol is just one of our initial features, more scenic spots are on our list.
“But more than the physical beauty,
The true wealth of our country is us-the Filipino people. I truly enjoy hearing different stories of struggles and triumps that are uniquely Pinoy.
“’I Heart Ph’ is not just about travel it’s all about the Pinoy lifestyles. For this new season, the magazine focuses on one of human’s basic necessities- shelter. Apparently, this is also one of the country’s major social issues. Fact is, the Philippines is in the top 10 countries with the most number of homeless people in the world for 2024. Ito’y base na rin sa data ng Organization for Economic Development (OECD).
“Our show will not delve into political and social issues,“ ayon naman kay director Jallawee Beritan.
Dagdag pa nito, “Still our commitment is to showcase world class visual narratives to our viewers. That do not only feed their senses but their soul.”
Ang I Heart PH ay magtatampok din ng mga bahay, tips at payo sa pagpapatayo at para na rin ma-improve ang kanilang mga bahay. Mula sa do-it-yourself (DIY) mula sa pagpapagawa hanggang sa pagpapa-repair ng bahay, sa tulong ng mga ekspertong architects, interior designers at ng iba pang influencers na kanilang inimbitahan.
“Our goal is very clear: To share good vibes and inspire our vievers with our feel-good show, ‘I Heart PH,’ sabi pa ni Valerie.
Ang I Heart PHay hatid ng TV8, at mapapanood tuwing Linggo, 10:00 a.m. sa GTV.