Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Judy Ann sa pagtanggap ng Espantaho — overwhelm ako sa cast at nae-excite

RATED R
ni Rommel Gonzales

HANDS-ON bilang ina si Judy Ann Santos at nakatutok sa lahat ng ganap ng kanilang tatlong anak ni Ryan Agoncillo na sina Yohan, Lucho, at Luna.

Kaya naman kapag may pelikula o seryeng ginagawa ay umiikot ang work schedule niya sa schedule ng mga anak.

Ipinaaalam niya agad sa produksiyon kung ano ang mga petsa na hindi siya puwedeng mag-shoot o mag-taping.

Kaya simula pa lang nilalatag ko na,” saad ni Juday.

And I am very grateful na naintindihan naman iyon ni Atty. Joji at ni direk Chito.”

Ang producer na si Atty Joji Alonso ng Quantum Films ang tinutukoy ni Juday na producer ng bago niyang pelikula, ang Espantaho, at ang direktor nilang si Chito Roño.

Noong una kaming nagkita parang hindi pa rin ako makapaniwala na, ‘Okay, totoo na ito, nangyayari na ito.’

“Siyempre sa bawat first shooting day naman puro light scenes pa lang, naroon pa ‘yung warming up with the cast.”

Kasama ni Juday sa Espantaho ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino at ang mga beteranang aktres na sina Chanda Romero at Janice de Belen.

Nasa cast din ng pelikula sina JC Santos, Donna Cariaga, Nico Antonio, Kian Co, Mon Confiado, Tommy Abuel, at Eugene Domingo.

 “So noong nakita ko na ‘yung buong cast, magkakasama na kami, nao-overwhelm na ako.

“‘Yung nae-excite na ako, nakikita ko na, nakikita ko na ‘yung eksena, hindi pa namin isinu-shoot nakikita ko na kung anong mangyayari.

“Na ang likot din ng utak ni direk Chito rito sa pelikulang ito. ‘Yung magugulat ka biglang iba na ‘yung gagawin mo sa nabasa mo sa script.

“So it’s more of parang impromptu? Not the acting but ‘yung storyline niya.

“Parang biglang may gulatan kaya nakaaaliw din, nakae-excite kung ano ‘yung magiging end product namin,” excited na pahayag pa ni Judy Ann.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …