Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Rita Atayde Zanjoe Marudo Art Atayde

Sylvia araw-araw tsine-tsek si Ria

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KABUWANAN na ni Rita Atayde kaya naman si Sylvia Sanchez, ang ina ng aktres ang hindi mapakali kaya’t inaaraw-araw niyong itine-text ang anak.

Sa sobrang excitement nga ng magaling na aktres na si Sylvia inaaraw-araw ang pagtatanong sa anak na si Ria kung lalabas na ba ang kanilang apo ni Papa Art Atayde.

Iluluwal na anumang araw ngayong buwan ang panganay nina Ria at  Zanjoe Marudo kaya naman ngayon pa lang ay super excited na nga ang mga lola at lolo.

At dahil sa excitement may nabili na raw na sapatos sa France para sa magiging apo si Ibyang tatlong taon na ngayon ang nakararaan noong dumalo sila sa Cannes International Film Festival na ireregalo nga sa unang apo.

Every day ko tine-text si Ria, ‘Buntis, lalabas na ba ang little boss ko?’ Sabi niya ‘Ma, kalma lang kalma.’ Kasi anytime na eh,” ani Sylvia sa interview ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …