Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos

Judy Ann nae-enjoy mag-relax, tumanggap ng kung anong kaya at gustong project

RATED R
ni Rommel Gonzales

ENJOY si Judy Ann Santos sa muli niyang pagsabak sa paggawa ng pelikula. Nagsu-shooting na siya para sa horror film na Espantaho na ang direktor niya ay si Chito Roño.

“Ini-enjoy ko ‘yung… siyempre nandoon ‘yung, paano ko ba… pinag-usapan namin siyempre ‘yung character, pinag-usapan namin ‘yung nuances.

“Kasi siyempre bilang artista gusto mo iba-iba rin naman ‘yung inihahatag mong proyekto sa mga viewer, hindi ba?

“And ako rin as an actor naroon din ako sa point na ‘pag tumatanggap ako ng project, na acting project, tinitimpla ko na rin.

“’O rito gumawa na ako ng ganyan, dapat sa susunod sobrang baligtad naman or medyo ibang-iba.

“Probabaly, na-earn ko na rin naman ‘yung moment na ‘yun na pumili ng projects.

“And at the same time ‘yung… hindi ka naman nagdi-diva pero andoon kasi ako sa point na, itong proyektong ‘to dapat medyo worth it ‘yung wala ako sa bahay madalas,” at natawa si Judy Ann.

Kasi hangga’t maaari nga I want to be with my family.

“Kumbaga nararanasan ko na ‘yung blessing na iyon ni Lord na parang, ‘O sige anak, sa panahong ‘to medyo puwede ka nang mag-relax at tumanggap na ng kung ano ‘yung kaya at gusto mo, sa paraan na gusto mo at kung kailan mo gusto.’

“And I’m very fortunate na everytime a producer would ask for my services inilalatag ko talaga lahat umpisa pa lang.

“Kasi ayoko namang maging unfair.

“So first shooting day alam na ni direk Chito ‘yun, alam niya na ‘yung mga inilatag kong mga ganap, kung sakaling may ganap sa school at, ‘Kailangan ko pong magpalit ng ibang araw.’

“‘Yung mga ganoon, little details.

Na para sa ibang tao siguro parang ang OA naman na kailangan pang ipaalam, pero siyempre ‘pag nagbigay ka na ng kalendaryo mo dapat naka-lock na ‘yun, eh.”

Kasama ni Juday sa Espantaho ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino at ang mga beteranang aktres na sina Chanda Romero at Janice de Belen.

Nasa cast din ng nabanggit na pelikula sina JC Santos, Donna Cariaga, Nico Antonio, Kian Co, Mon Confiado, Tommy Abuel, at Eugene Domingo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …