Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Arjo Atayde

Arjo nilinaw pagtakbo ng ina sa 2025 election

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Cong Arjo Atayde na hindi tatakbong kongresista ang kanyang inang si Sylvia Sanchez.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Cong Arjo sa thanksgiving at early Christmas party for entertainment press kamakailan nang matanong ukol sa naglalabasang tsika na balak tumakbong kongresista ang kanyang ina sa darating na halalan sa 2025.

Ani Arjo pagtutuunan ng kanyang ina ang pagpo-produce para sa kanilang Nathan Studioes at magko-concentrate ito sa pag-aartista o pag-arte.

Hindi rin totoo ang mga lumalabas na tsikang tatakbo siyang mayor ng Quezon City.

Aniya, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang termino next year kung papalarin muli sa darating na eleksyon. 

Aniya, napakarami pa siya hindi nagagawa para sa 1st District ng Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …