RATED R
ni Rommel Gonzales
MALAKI ang pagkakahawig ng Vivamax actor na si JD Aguas sa young actor na si Nash Aguas.
At ang paliwanag doon ay magpinsan pala sila.
At dahil patuloy pa rin ang usapin ng sexual harassment na naikonek na nga sa paglalagay ng plaster sa private part ng mga male star kapag may mapangahas at hubarang eksena sa pelikula, pinag-react si JD, bilang sexy actor siya, tungkol dito.
Lahad ni JD, “Ang take ko about the issue is ‘yung consent po between the actor and the director.
“Kung talagang nandoon ka for the work, na hindi anything else na may agenda kang iba, bilang aktor, responsibility mo iyon at ng direktor.
“‘Yung consent, kung ‘yung aktor mismo ang pumayag, may consent mo, tapos biglang nag-react ka, pero lumipas na ‘yung panahon, tapos ang katuwiran mo, ‘Baguhang aktor ako noon,’ for me, hindi tama iyon.
“Baguhang aktor din ako. Pero kung walang consent, doon ka talaga puwedeng magreklamo.
“Pero kung hindi ka nagsalita, ibang bagay na po ‘yon.”
Male lead sina JD at Albie Casiño sa Butas ng Vivamax with Angela Morena sa direksiyon ni Dado Lumibao.
Pinasok ni JD ang pagpapaseksi dahil gusto niya talagang maging artista.