SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MALIWANAG at maganda ang aura ni Carlo Aquino nang humarap sa virtual media confence ng pinagbibidahang pelikula, ang Crosspoint kaya tinanong ito kung ang dahilan nito ay buntis na ang asawang si Charlie Dizon.
Natatawang sagot nito, “hindi, hindi. ‘Wag tayong advance, nakaka-pressure.
“Relax lang,” sabi pa ni Carlo.
Ang Crosspoint na mapapanood sa October 16 ay rated PG ng MTRCB at pinagbibidahan din ng Japanese Hollywood actor na si Takehiro Hira kasama sina Sho Ikushima, Ian De Leon, Polo Ravales, Zeppi Borromeo, Sarah Jane Abad, at ng Fil-Jap actress Kei Kurosawa. Idinirehe ito ni Donie Ordiales.
Collaborative project ang Crosspoint ng Philippine independent production company na High Road Creatives at Japan’s 034 Productions.
Kinunan ito sa Tokyo at ang kuwento ay umiikot kay Manuel Hidalgo (Carlo), dating A-list actor sa Pilipinas, na nalaos kaya napilitang pumunta sa Japan at maghanapbuhay sa isang pub doon. Nakilala niya si Shigeru Watanabe (Hira), isang mid-50s construction manager na nagdeklarang bangkarote para makaiwas sa mga obligasyon sa mga pinagkakautangan. Nagkasundong hanapin ang isang high-profile serial killer para maging daan sa paglutas sa kanilang mga problema.
Idinirehe ng Japanese-based Filipino filmmaker na si Donie, aniya ang mga karakter sa pelikula ay hango sa mga totoong taong nakilala niya sa Japan.
Nang tanungin kung bakit si Carlo ang napili nila para gumanap sa kanilang pelikula, anang film’s producer Ravien Bracero, “He was suggested by my brother in law, Zeppi Borromeo, I was asking him kung sino bagay sa character ni Manuel? Akala ko that time freelance si Carlo then nalaman ko Star Magic pa rin. Ayun mas napadali ang pagkontak namin.
“I emailed Ms Cris Tapang, his handler. Hindi po kami kilalang production and sobra kaming natuwa na tinanggap nila.
“And we’re looking for a big star talaga and we just tried na makuha si Carlo kasi bagay sa kanya talaga ang role. We chose Carlo dahil napaka-versatile and a very good actor.
“We got the same vibes with Hira-san kaya kinuha namin siya, plus magaling ding magsalita ng English,” dagdag pa.
“Ako naman hindi magsisinungaling. Noong sinabi sa akin na Japan shoot who wouldn’t say no to that, ‘di ba? Talagang oo tapos may certain chart din na may gustong patunayan at ilabas sa mundo tapos semi-action, thriller, suspense so I’ve always wanted to do a film na ganyan.
“Kasi for the past years din I’m doing romcom eh, so para maiba naman,” pahayag naman ni Carlo na inamin ding physically challenge ang pelikulang ito bukod sa weather sa Japan at marami silang takbuhang eksena.
Nang matanong si Carlo ukol sa mahirap na eksena na nagawa sa pelikula, sagot ng aktor, “Hospital scene sa manila and fight scene with Sho na kinailangan pa nila akong dalhin sa hospital dahil nabali ‘yung isa sa daliri ko. Minor lang naman parang namaga, lumaki.
“Being good people sabi ko sa kanila ok lang ako pero nagpilit silang dalhin pa rin ako sa ospital. Pina-xray pa nila and pinahinto nila ang shoot. Ako ok lang pero pinahinto nila at talagang dinala nila ako sa hospital,” wika ni Carlo.
“Fighting scene napaka-intense talaga sigawan, and dahil gusto ko raw, hindi siya matrix or kung fu style, hinayaan ko lang sila ng kanilang style para realistic, at nang sinabi kong cut, napasigaw si Carlo. ‘Yung aking DOP nagsabing ‘actor down, actor down.’
“So I run and saw ‘yung kamay nga ni Carlo medyo hindi okey. I was so suprised with Carlo kasi hindi siya nagpa-cut, itinuloy pa rin and he finished the scene at doon lang siya nag-react. We we’re panicking and we need to check him, anang kanilang direktor.
“Nag-panic din kami sa hospital kasi hanggang 5:00 p.m. lang ang doctor haha. And noong na-clear ang x-ray niya roon lang kami nakampante, umuwi na rin,” dagdag naman ng kanilang producer na sobra ang pahanga sa pagiging propesyonal ni Carlo.