Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Juday, Chanda, Janice, at LT nagbardagulan sa pelikula ni Chito Roño

RATED R
ni Rommel Gonzales

EXCITED si Judy Ann Santos dahil sa wakas ay natuloy na ang pagsasama nila ng direktor na si Chito Roño sa isang horror film.

Dalampung taong hinintay ni Juday ang pagkakataong maidirehe siya ni direk Chito sa isang horror film, naudlot ang tsansa noong 2004 dahil tinanggihan ni tito Alfie Lorenzo, ang namayapang manager ni Judy Ann, ang blockbuster horror flm na Feng Shui na eventually ay napunta kay Kris Aquino.

At fast forward ngayong 2024, may pamagat na Espantaho, sa malayo at historical na lugar ng Mexico, Pampanga ang shoot ng pelikula nina Juday at direk Chito.

At tiyak na bargadulan ang pelikula dahil ang kasama ni Juday sa movie ay ang isa pang napakahusay na aktres, walang iba kundi ang Grand Slam Queen na si Lorna Tolentino.

At hindi lamang iyan, nasa pelikula rin ang equally- talented actresses na sina Janice de Belen at Ms. Chanda Romero, with JC Santos and Nico Antonio.

Hands-on at aligaga at palaging nasa set ng shooting ang lady producer na si Atty Joji Alonso ng Quantum Films na laging may dalang mga kung ano-anong pagkain sa set para sa mga artista ng pelikula.

Napanood na namin ng personal ang ilang mga heavy dramatic scene ng pelikula at wala kang itulak-kabigin sa napakahuhusay sa aktingan nina Juday, LT, Chanda, at Janice.

Siyempre kasi, kahit na nga horror film ang Espantaho, hindi mawawala ang dramatic moments sa pelikula lalo pa nga at ang mga female cast member ay puro multi-awarded actresses.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …