Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Teejay Marquez

Teejay nagpasabik sa pagsusuot ng thong 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI rin ang pumansin kay Teejay Marquez dahil nang rumampa siya sa fashion week show ng isang undergarment manufacturer, ipinakita niya ang magandang hubog ng kanyang katawan, at nagsuot pa ng thongs.

Pero hindi tulad ng ginawa ni Wendell Ramos noong araw na nang magsuot ng thong ay sexy talaga. Si Teejay, ibinaba lang ang baywang ng pantalon para makitang thong  ang suot pero nakapantalon pa rin siya. Hindi gaanong seksi ang naging dating niya. Siguro sabi nga nila, hindi nag-all out si Teejay dahil may mga pelikula pa rin siyang medyo wholesome ang image.

At hindi naman pa-sexy. Isa pa kung masyado siyang magpapa-sexy baka siya naman ang pagbalakan ng mga nagse-sexual harassment, problema pa niya iyon.

Siguro nga, masasabi na lang niya na nagpa-sexy siya kahit na paano sa fashion show. Kung nakatawag iyon ng pansin at siguro maghihintay pa siya ng feedback kung ano ang ibubunga niyon sa kanyang career. Makatutulong ba sa kanyang career ang pagsusuot ng thongs at pagpapakita ng bahagi ng kanyang puwit? Nagawa na ni Wendell iyan eh at mas matindi pa noon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …