SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NAKATUTUWANG isa na namang tagumpay ang nakamit ng pelikulang Pieta. Kinikilala ang husay at galing umarte ni Alfred Vargas matapos itanghal na Best Actor sa katatapos na Wu Wei Taipei International Film Festival.
Masayang-masaya ngang ibinahagi sa amin ni Alfred ang pagwawagi sa Wu Wei Taipei International Film Festivaldahil isa na namang malaking karangalan ito para sa kanilang pelikulang Pieta na pinagbibidahan din nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, at Gina Alajar na idinirehe ni Adolfo Alix Jr..
Ani Alfred, kakaiba at isabg malaking karangalan ang pagwawagi niya sa international filmfest.
Narito ang post ni Alfred sa kanyang Facebook account:
“Ad Majorem Dei Gloriam! ❤️🙏🏽
“Extraordinarily grateful and honored to receive the TAIPEI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL BEST ACTOR AWARD!
“Thank you, everyone who believed in me. Thank you, Team PIETA Direk Adolf @aalixjr , Ate Guy, Direk Gina Alajar and all the cast and crew!!! And most of all, thank you, Lord!!! ❤️🙏🏽
“Special thanks to my loving and supportive wife, Yasmine @yasmine_vargas2307 and my four children, Alexandra, Aryana, Cristiano and Aurora ❤️ Thank you, NDM Studios @njeldemesa and the whole team. Thank you to all the organizers and staff for the wonderful program that was for the books! Truly and unforgettable night. “
Ito bale ang ikalawang beses na pagwawagi ni Alfred ng best actor sa pelikulang Pieta. Unang kinilala ang kanyang husay sa 72nd FAMAS Awards.
Bukod kay Alfred nagwagi rin sa Wu Wei Taipei International Film Festival si Kiray Celis bilang Breakthrough Performance Award sa natatangi niyang performance sa pelikulang Malditas in Maldives. Wagi rin ang pelikulang ito ng Best Picture. Nanalo rin sa nasabing filmfest ang singer-actor na si Gerald Santos at ang Vivamax Queen na si Angeli Khang.
Wagi si Gerald ng Best Actor in a Movie Musical para sa pelikulang Al Coda. Best actress naman si Angeli para sa mahusay niyang pagganap sa Silip Sa Apoy.