Wednesday , May 14 2025
A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Mamay: A Journey To Greatness ipalalabas din sa mga eskuwelahan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IISA ang sinasabi ng halos lahat ng nakausap naming artista, kasama o hindi sa pelikulang A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story, ‘napakabait ni Mayor Mamay’ kaya hindi kataka-takang star studded ang ginawang premiere night ng pelikula sa Megamall kamakailan.

Ang A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story ay pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, Victor Neri, Julio Diaz at marami pang iba na lahat ay pumupuri sa kabaitan at galing ng pamamalakad sa Nununga, Lanao del Norte.

Maging si Alvin Fortuna na gumaganap na kapatid ni Mamay Marcos sa pelikula ay ganoon na lamang ang pagpuri sa alkalde ganoon din si Bong Alvarez. Hindi kasama sa pelikula si Bong. Sinuportahan n’ya lamang si Mayor Mamay dahil madalas din pala silang maimbitahan niyon sa kanilang lugar kasama ang iba pang basketball player kapag may paliga.

Sabi nga ni Alvin, alagang-alaga sila ni Mayor Mamay habang nagsu-shoot. Nanghihinayang nga lang siya na hindi siya nakarating sa Nunungan dahil sa Manila ang mga eksena nila. Pero personal naman siyang inanyayahan ni mayor na makapasyal sa lugar nito na sinasabi ng ilang mga kasama sa pelikula na nakarating doon na napakaganda ng Nunungan, Lanao del Norte.

Ukol nga sa biopic ni Mayor Mamay ang pelikula na nagpapakita na hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang pangarap sa buhay at maging matagumpay.

Sa pakikipag-usapan namin kay Mayor Mamay bago ang premiere night, kahanga-hanga ang kanyang malasakit sa film industry dahil muli siyang gagawa ng pelikula para marami pa siyang matulungan.

Sa totoo lang, napakaraming artistang hindi na napapanood o hindi na aktibo ang nasa pelikula ni Mayor Mamay tulad nina Via Veloso, Polo Ravales, Mohammed Hassan Ali Marohomsalic, Sabrina M at iba pa.

Mapapanood din sa pelikula sina Teejay Marquez, Ali Forbes, Devon Seron, Tonz Lander, John Arcenas, and Shiela Delgado. Mula naman ito sa direksiyon ni Neal Buboy Tan, hatid ng Mamay Production.

Samantala, sinabi ni Mayor Mamay na ang kanyang biopic ay ukol sa kung saan nagsimula o ang humble beginning ng alkalde hanggang sa kung paano siya naging leader sa kanilang community. 

“The movie highlights the hardships, trials, and ultimate triumphs that shaped my journey. Having experienced the challenges of poverty firsthand, my dedication to uplifting the lives of my constituents shines through, serving as a powerful testament to the impact of hard work and determination,”

panimula ni Mayor Mamay nang matanong ang ukol sa pelikula.

Sinabi pa ni Mayor Mamay na umaasa siyang makararating ang mensahe ng kanyang pelikula sa mga manonoof lalo na iyong marginalized na sektor. “This is a very inspiring movie. I want people, especially those who belong to the marginalized sector, to know that there is always hope and opportunities to reach your dreams if you focus all your energies on it.

Kailangan din na magsumikap ka para maabot ang anumang pangarap mo. This movie tells that poverty is not a hindrance to succeed in life,” dagdag pa ng alkalde.

Dinaluhan ang premiere night ng mga bidang sina Jeric at Ara na gumanap na asawa ni Jeric (Mayor Mamay).

Ayon kay Ara tinanggap niya ang pelikula dahil inspirasyon ang buhay ng alkalde. “I accepted this movie dahil inspirational talaga ang buhay ni Mayor Mamay. Nakita ko rin ng personal ang napakagandang lugar ng Nunungan nang dahil din sa efforts ni Mayor,” sabi ng aktres.

Malaking karangalan naman para kay Jeric na personal na pinili ni Mayor Mamay para gampanan ang kanyang biopic. ,

I am honored na ako ang napili ni Mayor Mamay na gumanap bilang siya sa pelikulang ito. Humanga ako sa mga pinagdaanan ni Mayor. Truly inspiring,” ani Jeric.

Ang Mamay: A Journey To Greatness na idinirehe ni Tan ay nabigyan ng PG (Parental Guidance) rating ng MTRCB. Inaprubahan din ng Department of Education (DepEd) na maipalabas sa mga eskuwelahan ang pelikula dahil na rin sa  inspirational at educational content nito.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijan Jaranilla Jane Oineza Puregold Si Sol at si Luna

Serye ng Puregold na Si Sol at si Luna dekalidad na pelikula sa YouTube

MATUTUNGHAYAN ang mga komplikasyon ng pag-ibig at buhay sa trailer ng pinakabagong dating batang artista …

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Nova sa Picnic: a dramatic movie na may lesson sa ating pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales NAIRAOS na natin ang pagboto sa eleksiyon ngayong 2025, kaya manood …

Fyang Smith JM Ibarra Nova Villa Bodjie Pascua Ces Quesada Sylvia Sanchez Picnic Nathan Studios

Sylvia trailer pa lang ng Picnic na-magnet na

RATED Rni Rommel Gonzales MAY tila kung anong atraksyon kay Sylvia Sanchez ang Korean movie na Picnic. Trailer …