Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ahron Villena Joel Lamangan

Ahron Villena hinaras, in-exploit daw ni direk

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PINATAMAAN ni Ahron Villena ang isang direktor na umano’y nangharas sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Hindi tinukoy ni Ahron ang pangalan ng direktor bagamat bagama’t may mga nagsasabing tila sagot o patama ang hanash ng aktor sa post ng isang kilalang direktor ukol sa pang-aabuso sa entertainment industry.

Idinaan ni Ahron ang patama niya sa direktor sa pamamagitan ng kanyang Facebook.

Aniya nangyari ang panghaharasan sa kanya noong baguhan pa lamang siya sa industriya at habang nasa shooting ng ginagawa nilang pelikula.

Ani Ahron, “May nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na daw nangyayari yng mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.

“Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un!

“Tandang-tanda ko yung kelangan ako magplaster sa eksena cameo role lang ako may tumutulong na sa kin sa production pero pumasok ka sa CR pero pinaalis mo siya.

“Ang sabi mo pa ‘dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyanz

Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo.”

Irerespeto kita bilang taobat direktor kasi magaling ka, pero dahil baguhan pa lang ako noon, OO lang ako nang OO kasi kelangan ko din kumita ng pera.

“Malamang hindi mo na maalala kasi sigurado akong hindi lang ako ang ginawan mo ng ganu’n. Nu’ng ininterview ako sa Fast Talk noon hindi kita pinangalanan kasi may respeto pa din ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sa kin hindi ako nagsalita.

“Kaya sana tahimik kana lang din. Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun.

“Kung totoo man or hindi hindi mo dapat itolerate ung mga ganu’ng bagay!” ang rebelasyon pa ni Ahron.

Ang post na ito’t may caption na, “Sorry napapost na ako kasi parang my mali sa mga sinabi eh. Parang dapat maging proud ka pa pala!”

Iniuugnay ng mga netizen ang post na ito ni Ahron kay Direk Joel Lamangan sa nagpahayag ng saloobin nang kapanayamin ukol sa  reklamong rape ni Sandro Muhlach laban sa independent contractors ng GMA 7 at pag-amin ni Gerald Santos na na-rape ng isang musical director noong 15 years old siya.

Anang direktor,  “Noon pa, mayroon nang ganoon, day! Hindi lang nabubulgar, Diyos ko! Panahon pa ng kopong-kopong, mayroon na ‘yun. Dyusko! Ilang mga artista na naging leading man at sumikat, na nanggaling sa bading. Ang dami!

“Ang dami na noon, ‘Neng hindi lang nabulgar. Ngayon lang nabulgar. Dati noon, secret…matagal na ang mga ganyan, luma na ang mga kasong ‘yan. Hindi naman yan bago.

“Kasi, stepping stone ‘yan, eh. Gusto mong makilala, gusto mong magka-project. So, papatol ka. Wala kang choice,” sabi pa ni Direk Joel.

Napag-alaman naming nagkatrabaho sina Ahron at Direk Joel sa pelikulang The Bride and the Lover noong 2013.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …