Sunday , November 24 2024
gun QC

QC resto kinulimbat, customers hinoldap

PINASOK at hinoldap ng apat na holdaper ang isang restaurant  sa Quezon City at tinangay ang mga cellphone at pera ng mga kostumer nitong Sabado ng gabi. 

Kinilala ang mga biktima na sina Rynelie Royo, 32, may-ari ng ChikTen Wings Restaurant; Mayraquel Montano, cashier;  Charles Mathew Cerez, 21; Riccie  Aduana, 21;   Margie Gabito, 29; pawang kitchen staff, at ang mga kostumer na sina  Dionisio Gabito, Francine Abanto, at Criel Osorio.

               Sa report ng Project 6 Police Station (PS 15) ng Quezon City Police Disrict (QCPD), bandang 10:39 pm nitong Sabado, 24 Agosto, nang maganap ang insidente sa loob ng ChikTen Wings Restaurant na matatagpuan sa No. 19 Congressional Ave., Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl. Rigor Resonable, abala ang mga staff ng nasabing restaurant sa pag-asiste sa kanilang mga kostumer nang biglang pumasok ang dalawa sa apat na suspek na armado ng mga baril na nagdeklara ng holdap.

Agad nilimas ng mga suspek ang P60,700 halaga ng mga cellphone, at P10,000 cash ng mga biktima at kostumer, Samsung Tablet na nagkakahalaga ng P10,000, maging ang  cashier box na naglalaman ng P22,000.

Agad na sumakay ang mga suspek sa Honda Click at Honda PCX kung saan naghihintay ang dalawa pa nilang kasamahan na nagsilbing lookout.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …