INANUNSIYO ni dating Ilocos Governor Chavit Singson na napagdesisyonan niyang tumakbong senador sa darating na eleksiyon.
Ang pahayag na ito’y isinagawa ni Manong Chavit sa isang event ng League of Mayors of the Philippines.
“Ako na ang utusan ninyo sa senado kung papalarin”, sabi ni Chavit sa kanyang speech sa naturang pagtitipon.
Ang anunsyong pagbabalik-politika ni Manong Chavit ay malugod na tinanggap ng kanyang mga kaibigan at tagasuporta.
Samantala, bago ang anunsiyo nagpasalamat si Chavit sa ginawang pag-endoso sa kanya kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ribbon cutting at opening ng ika-11 sangay ng BBQ Chicken sa Festival Mall, sinabi ni Chavit na, “nagpapasalamat ako kay dating Pangulong Duterte na naalala ako, it’s an honor to be endorsed by the president and hindi na ako nakipag-usap sa kabila dahil puno na sila nakakahiya namang ipagsiksikan ko ang sarili ko.
“Nagpapasalamat lang ako kay Presidente Duterte. At pinipilit ako ng mga mayor, councillors, governors” sabi pa ni Manong Chavit na tatakbong independent sa ilalim
ng kanyang partido.
Samantala, muling sinabi ni Chavit na tuloy na tuloy ang paggawa nila ng pelikula ni Manny Pacquiaokasama ang Korean-American Superstar na si Ma Dong Seok.
“Pupunta siya rito para gumawa ng pelikula.
Interested nga silang gumawa ng studio sa Vigan kasi hindi lang isang pelikula ang gagawin nila kundi marami,” pagbabalita pa ni Manong Chavit.