Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Gerald Anderson

Gerald itinanggi kasal nila ni Julia ngayong taon 

MA at PA
ni Rommel Placente

PINABULAANAN ni Gerald Anderson sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News ang kumakalat na chikang ikakasal na sila ng girlfriend na si Julia Barretto this year. 

Anang aktor, wala itong katotohanan.

Sabi ni Gerald.,”No!

Kapag nangyari man ‘yun, it’s not something na itatago ko.”

Nabanggit din niya na kahit si Ogie Diaz ay nag-message na sa kanya tungkol dito.

Even si Mama Ogs nagsabi sa akin, ‘Ge! Totoo ba ‘yung ano?’ Eh sabi ko –I’ll be proud of that. Alam niyo, it’s cliche pakinggan pero ang dami pang nakalinya [na projects]…even her,” paliwanag ng binata.

Kasunod niyan, inusisa si Gerald kung ano ang reaksiyon niya sa bagong pelikula ni Julia katambal ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

Ayon sa aktor, all out support siya para sa girlfriend at panonoorin pa nga raw niya ang bagong movie nito.

I’m a silent supporter, alam kong pinaghirapan niya ‘yan,” sambit ni Gerald.

That’s why we’re like this na naging okay kami for so many years is because sinusuportahan namin ang isa’t isa.”

Naitanong din kay Gerald kung hindi raw ba ito nagseselos dahil katrabaho ni Julia ang dating dyowa nito.

Ang sagot ng binata, “Sa totoo lang, awkward talaga ang trabaho namin. Andoon ako dati sa sitwasyon niya that’s why I tried to be as supportive as possible.

I don’t want to steal the spotlight. Pinaghirapan nila ‘yan eh and I know how hard it is to work on a movie na gusto mong mapanood ng maraming tao. So you just give it to her, it’s her time,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …