HATAWAN
ni Ed de Leon
MUKHANG pahiya na naman ang mga marites na ang tsismis ay hiwalay na raw si Dawn Zulueta sa asawang si Secretary Anton Lagdameo. Talagang sagad sila sa pagkapahiya dahil nakita ang mag-asawa sa isang party na sweet na sweet habang nagsasyaw.
Kaya nga sinasabi na namin sa inyo eh huwag kayong basta maniniwala sa mga nababasa lang ninyo sa internet. Karamihan diyan ay fake news.
May mga blogger na sa paghahangad na dumami ang followers para sila kumita kahit na barya, ay gumagawa ng mga balitang kontrobersiyal kahit na hindi naman totoo. Ewan kung bakit hindi iyang mga iyan ang sampalin ng Facebook ng paglabag sa kanilang community standards, ganoong noong isang araw sinabi sa amin na labag daw sa community standards iyong ipinost namin na sarili naming column na lumabas dito sa Hataw.
Parang mas kinakampihan pa nila ang naglalabas ng fake news kasi siguro ang tingin nila kung ganoon ay mas tututok ang mga tao sa social media na maganda para sa negoyo nila.