MA at PA
ni Rommel Placente
SA interview ni Bea Alonzo sa show ni Boy Abunda na My Mother, My Story, sinabi niya na sa edad niyang 36 ay may nararamdaman na rin siyang pangamba dahil wala pa rin siyang anak.
Sey ni Bea, kapag naging nanay siya in the near future, gusto niya ring maging isang cool mom tulad ng kanyang mommy Mary Anne.
Pero inamin niya na hindi pa siya sure sa kanyang wish, dahil hanggang ngayon nga, ay wala pa siyang sariling pamilya.
“That’s what I’m afraid of since I’m 36 and hindi pa ako nagkakaanak so iniisip ko, ‘Sana maging kasing cool ako ni mama.’
“If I have kids sana kasing cool ako na mom kagaya ng mama ko,” sabi pa ni Bea.
Samantala, nabanggit din ni Bea na gusto rin niyang tularan ang ina pagdating sa pagdidisiplina sa anak, na naging istrikto noon sa kanya at sa kapatid niyang lalaki.
“Just like my mother, I would say. To be honest, she was very strict when we were growing up, and of course, back then I didn’t understand why?”
Natanong din ni Kuya Boy si Bea ng, “Sino ka nang dahil sa iyong ina?”
“I turned out to be a strong woman because of my mom. She taught me to stand for myself and stand for the truth, always.”
Bukod sa pagiging mag-ina, parang mag-BFF din daw ang turingan nila dahil hindi naman ganoon kalayo ang kanilang mga edad.
“She got pregnant when she was 19 and she had me when she was 20. So we’re also good friends. Growing up parang wala masyadong generation gap,” sabi pa ni Bea kay Kuya Boy.