RATED R
ni Rommel Gonzales
DAHIL bagong bukas ang Blacksheep Manila Studios, tinanong namin ang may-ari nitong si Jaworski Garcia o Boss J kung ang mga talent ba niya ay magpe-perform doon regularly?
“I’m going to have this brick wall sessions,” pahayag ni Boss J, “if you saw it, pagpasok natin dito sa pinto, we have the brick walls. It’s a big portion of this studio.
“We’re going to do like a UK style music session. Iyon ‘yung next target natin na magawa rito. We’re going to upload it sa YouTube channel also, at saka sa Facebook, para magkaroon din ng avenue ‘yung mga artist, not just Black Sheep Records Manila artists, but also other artists from different labels who needs platform for them to somehow share their music to people.”
Ang mga kompanya na hawak ni Boss J bukod sa Blacksheep Records Manila ay ang Blacksheep Manila at Blacksheep Manila Studios sa Pasig.
Ang mga artist na hawak ni Jaworski ay sina Ethan Loukas at ang Section Juan.
Paano niya nadiskubre si Ethan at ang Station Juan?
“First si Ethan, someone sent me the parang song niya before, in 2017. Then instantly, na- in love ako sa kanta ni Ethan.
“Sabi ko, mayroon pala tayong Pinoy na parang world-class ‘yung boses, maganda. Tapos siyempre, mayroon tayong mata sa magandang bagay sa paligid natin. Sabi ko nga si Ethan kamukha ‘yan ni Piolo Pascual, na Tom Rodriguez eh, so malakas ‘yan.
“Then siguro nakita rin ni Ethan ‘yung eagerness ko to help him. Tapos basta ‘yung talent talaga nandoon.
“Hindi pa lang namin talaga nahi-hit ‘yung kiliti ng masa, na talagang magpapasikat sa iyo nang husto, pero nandoon na kami, papunta na kami roon.
“Then, ‘yung isa naman, ‘yung Section Juan, ‘yung boses ng vocalist niyan, medyo mayroong karga, parang kargado talaga ‘yan.
“Puwede ko siyang ilaban sa malalaking pangalan, iyon talaga ‘yung nakita ko sa kanila sa Section Juan.
“Magaling talaga, ‘yung drummer, ‘yung gitarista, lahat, lalo na ‘yung songwriter nila, ang galing gumawa ng kanta.
“So, they have two songs released under Black Sheep in collaboration with Viva before. Now, we’re releasing more for that band.”
Artists din ng Black Sheep Manila Records ang Vjosh Tribe, acoustic rock artist na si Victorio, at ang Outplayed.
Dating konektado sa Viva Records, nananatiling kaibigan ni Boss J si Boss Vic del Rosario ng Viva.