Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson BBQ Chicken Michelle Singson Carlene Singson

Chavit iginiit kay Caloy: makipagbati sa pamilya

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AWANG-AWA si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa nangyari sa ama, si Mark Andrew Yulo,ni two-time Olympic gold medalist Carlos “Caloy” Yulo na kumaripas ng takbo para makita ang anak bago mag-umpisa o dumaan ang Grand Heroes’ Parade na nangyari noong August 14.

Kaya naman nasabi ng dating gobernador na maging role model sana si Carlos.

Ani Manong Chavit nang makausap namin ito sa grand opening ng 11th branch ng BBQ Chicken sa Festival Mall, Alabang kahapon, “ipakita mo na role model ka of the family.”

Ito ay kaugnay din ng alok na P5-M ni Manong Chavit kay Caloy makipagbati lamang ito sa nakaalitang pamilya.

Anang politiko, wala pa siyang nakukuhang feedback mula sa kampo ng bemedalled gymnast. Pero nakausap na niya ang pamilya ni Caloy mula sa nanay, tatay, at mga kapatid.

Wala. Walang maka-contact sa kanya, eh. Pero kinu-contact ko na siya at nakikiusap ako kay Caloy na ipakita niya na ngayong champion siya, naka-gold, ipakita niya na siya ang role model of the family. 

“Eh, hindi maganda ‘yung ipinakikita niya kung hindi siya makikipagbati sa kanyang pamilya,” wika pa ng gobernador na target ng kanilang pamilya na makapagtayo ng 300 BBQ Chicken restos sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Anang mga anak ni Chavit na sina Michelle at Carlene, nauna na silang nakapagpatayo ng BBQ Chicken sa BGC na nasundan sa Robinson’s Magnolia at ang sumunod ay ang sa Festival Mall. Kaya asahan pa ang maraming sangay ng BBQ Chicken sa bansa na nag-originate sa Korea.

Idinagdag pa ni Manong Chavit na, “As of last night, wala pa. So, magdadagdag ako ng premyo niya, P5-M, kung ang buong pamilya ay mapagsasama niya dahil dapat siya ang role model.”

Napag-alaman namin sa pakikilag-usap kay Manong Chavit na wala silang contact maging sa pamilya ni Caloy.

So, nakikiusap ako kay Caloy, kung marinig man niya, pamilya mo muna dahil wala ka naman d’yan kung hindi sa kanila,” giit pa ni Chavit.

Nahingan si Manong Chavit ng payo para kay Caloy, “Well, ngayon sikat siya, ‘wag siyang magbago. Dapat siyang role model at number one, pamilya. Kung anuman ang nangyari sa kanila, kalimutan na niya. Nasa sampung bilin ‘yon ng Diyos, respect thy father and thy mother.

Caloy kung nakikinig ka man, nakikiusap ako, kausapin mo pamilya mo, ’wag mo na silang pahirapan dahil ‘yang gold na nakuha mo, hindi lang para sa ‘yo kundi para sa lahat, specially your family. Wala kang pinanggalingan kung hindi sa family mo. Kung ano ang mga nangyari, patawarin mo na sila. Bilin din ng Diyos ’yan, forgive your…

“Magbati lang sila, okay na, bigay ko sa kanya P5 million,” sabi pa.

Samantala, sinabi rin ni Manong Chavit na tuloy na tuloy pa rin ang production ng Korean series na Vagabond 2. Inaayos lamang ang istorya para mas lalo itong mapaganda. 

Dito sa ’Pinas kukunan ang serye kasama ang ilang Pinoy actors. Amay isa pa akong kausap na Hollywood producer para sa isang proyekto na kukunan din dito sa ’Pinas,” pagbabahagi pa ng dating gobernador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …