MA at PA
ni Rommel Placente
NASA isang ospital ngayon sa Singapore ang singer na Zsa Zsa Padilla at kasalukuyang nagpapagaling.
Sa Instagram, ibinandera ng batikang singer ang ilang pictures habang nakahiga sa hospital bed, kasama ang ilang mahal sa buhay na nagbantay at nag-alaga sa kanya.
Ayon kay Zsa Zsa, inoperahan siya dahil sa tinatawag niyang “mega ureter” na inborn sa kanya.
“My left ureter was the size of a sausage when it should be a thin tubular structure with a 3 to 4 mm diameter. My right one is normal,” sabi niya.
Nachika rin niya na ilang taon na siyang may Urinary Tract Infection (UTI) at naging rourine na raw niya ang pag-inom ng antibiotics, hanggang sa nadiskubre ng mga doktor ang tunay na problema niya sa kalusugan noong 2007.
“Para sa kaalaman ng marami, ang ureter ay tila mga tubo sa ating katawan kung saan dumadaan ang ating ihi mula sa kidney papunta sa urinary bladder o pantog ng ihi.
“My first surgery to correct this problem was 17 years ago. Right after filming ‘Zsa Zsa Zaturnah’ in 2007, I underwent open surgery to finally correct my left ureter. It was tapered and reinserted in my bladder,” pag-alala niya.
Nabanggit din niya na ilang beses na siya nagkaroon ng impeksyon at ito rin daw ang dahilan kaya siya tumaba.
“I then thought of Singapore since I heard of people going here for their medical needs, and asked my friend, Alice Eduardo to give me a recommendation…They told me they could do laparoscopic surgery to correct my problem. We set a date and now I’m still in hospital recuperating…the surgery was straightforward. They didn’t perform a boari flap as planned. Part of the ureter was cut then reinserted in my bladder. And I have 6 new holes from the laparoscopic surgery.”aniya pa.