Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Snooky Serna Gabby Concepcion

Snooky pinaka-espesyal na leading man si Gabby: kinilig pa ako sa kanya

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Snooky Serna sa Updated With Nelson Canlas, tinanong siya kung sino sa mga naging leading man ang pinaka-espesyal sa kanya.

Ang ilan sa mga naging leading man ng award-winning actress sa pelikula ay sina Albert Martinez, na nakarelasyon niya, Richard Gomez at Gabby Concepcion.

Ang sagot ni Snooky sa tanong ni Nelson ay si Gabby.

Ako, para sa ‘kin, Gabby. Richard was part of ‘Blusang Itim,’ Albert was my first love, pero si Gabby kasi parang may special chemistry kami.

“Ako, I felt the chemistry. ‘Yung sa pag-arte namin, parang we would read each other’s minds, tapos ‘yung pati sa itsura namin.

“Ewan ko ha, kasi ito ‘yung sabi sa akin ni Mother Lily palagi, na parang, ‘Hay naku, Snooky-Gabby, gusto ko ‘yan. Kasi parehong mestizo, mestiza, maganda, gwapo, bagay na bagay,’” paliwanag ni Snooky.

Pagpapatuloy pa niya, “And ‘yung acting kasi namin, I mean ‘yung chemistry namin while acting for a role in a movie, parang may rapport kami.”

Pag-amin pa ni Snooky, totoong kinilig din siya noon kay Gabby ng bonggang-bongga.

Pero paglilinaw niya, hindi sila umabot sa pagkakaroon ng relasyon at talagang hanggang professional relationship lang.

Pero sey ni Snooky, medyo na-hurt daw siya noong may niligawang iba ang aktor, “Kasi in a way, parang first puppy love ko yata talaga si Gabby. I can now openly say it dahil matatanda na kami.

“Ewan ko ba kung ano ang secret niya, pero ang gwapo talaga ni Gabby. Talagang ang linis-linis ng aura niya, mabango tingnan, napaka-neat ni Gabby,” papuri pa niya sa aktor.

Hindi kaya ang tinutukoy ni Snooky na ang niligawan ni Gabby ay si Maricel Soriano? Nang mapanood kasi  namin si Snooky sa kanyang vlog, na naging guest niya ang Diamond Star ay binisto niya na crush niya noong kabataan nila si Gabby at umaasa siya na liligawan siya nito pero si Maricel ang  niligawan ni Gabby.

Na nang marinig ‘yun ni Maricel ay tumawa ito at sinabi niya na hindi naman daw siya niligawan ni Gabby. Pero sige pa rin si Snooky sa pagsasabing niligawan ng ex ni Sharon Cuneta si Maricel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …