Friday , November 15 2024
AR dela Serna Harry Roque

May kinalaman sa POGO ops
ESCORT NI ROQUE PINAG-EESPLIKA NG KAMARA SA PAG-SNUB SA PAGDINIG

BACOLOR, Pampanga – Naglabas ng “show cause orders” ang Quadcomm ng Kamara de Representantes na nag-iimbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), at sa “war on drugs” ng dating Pangulong Rodrigo Duterte na sinabing milyones, ang namatay.

Sa pagdinig sa Bacolor, Pampanga, isa sa mga pinag-eeksplika ay si Albert Rodulfo “AR” de la Serna, ang executive assistant ng dating spokesperson ng Pangulong Duterte na si Atty. Harry Roque.

Si Dela Serna ay isa sa mga hindi dumalo sa pagdinig ng Quadcomm kahapon, Biyernes, 16 Agosto sa Bacolor, Pampanga.

Hindi rin nakarating si Roque sa isang kaso sa Manila Regional Trial Court (RTC).

Ipinaaalam ng mga komite kung totoo ang dahilan ni Roque.

Si Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano, chairman ng House Committee on Public Accounts ang nagmosyon sa komite na maglabas ng “show cause order” para rito.

Ang mosyon ay inaprobahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang chairman ng Committee on Dangerous Drugs at ang nagsisilbing lead chairman ng quad-committee.

Si De La Serna – dating kandidato sa 2016 Mister Supranational competition sa Poland ay nadamay dahil sa pagiging dikit niya kay Roque.

Kasama sa mga pinag-eeksplika ay sina Acting Mayor Eraño Timbang at iba pang mga opisyal sa Bamban, Tarlac.

Kasama rin ang mga opisyal ng Hongsheng Gaming Technology Inc., na sina Thelma Laranan at Yu Zheng Can.

Ganoon din ang mga opisyal ng Baofu Land Corporation, si dating Bamban Mayor Alice Leal Guo, at Bernard Chua.

Mga taga-Lucky South 99 Outsourcing Inc.; Lucky South 99 Corp., ang presidente nitong si Julian M. Linsangan III, ang mga may ari ng Whirlwind Corp., na sina Josefina Mascarenas, at Duanren Wu; ang bumubuo ng Biancham Holdings and Trading Inc., na sina Roque at mga kasama niya sa kompanya.

Kasama sa listahan sina Atty. Gerald Medina ng Medina, Flores, Ofrin Law Office; at Ruperto Cruz, ang may-ari ng lupa na kinatatayuan ng POGO hub sa Bamban. Si Danny Corral, presidente at CEO ng First Bataan Mariveles Holdings Corp.

Ayon kay Barbers, malinaw na may kaugnayan ang mga sindikato sa droga sa mga negosyante sa Pampanga.

Ani Barbers, nakalusot ang mga Chinese sa pagbili ng malawakang lupain at nagkaroon ng negosyo taliwas sa sinasabi ng Saligang Batas.

“The well-organized syndicate floods the country with dangerous drugs in probable connivance with corrupt officials and employees of the government agencies and possibly local government officials,” ani Barbers.

Bukod sa droga, ang sindikato ay nakapagpasok ng bilyon-bilyong pera galing sa masamang gawain na kanilang ipinapasok sa mga casino at POGO upang linisin at kunwari’y napanalunan sa sugal.

“Pag malinis na ang pera, ito ay ginagamit pambayad at pansuhol sa mga taong gobyerno na gumagawa ng mga ilegal na pamamaraan upang bigyan ang mga dayuhang Intsik ng mga pekeng papeles upang makapagpanggap na Filipino,” giit ni Barbers. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …