Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MMDA EDSA MMFF

MMDA pangungunahan mural painting sa EDSA, MMFF classic film posters itatampok

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ESPESYAL ang September 10, 2024  sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at iAcademystudents dahil ito ang araw na magkakaroon ng mural paintings sa EDSA tampok ang mga classic film posters na naging official entry sa mga nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ang aktibidades na ito ay bilang simula at parte ng ika-50 taon ng MMFF 2024 sa December.

Noong Huwebes, August 15, isinagawa ang MOA signing ng iAcademy at MMDA para sa proyekto. Dumalo sa pirmahan si MMDA Chairman Romando Artes at ang iAcademy President/CDO na si Raquel Wong.

Ani Artes, mahigit 2,000 estudyante ng iAcademy ang makikilahok sa pagpinta ng mga classic movie poster ng mga nagdaang MMFF entries sa ilang bahagi ng EDSA.

Akmang-akma ito sa pagpo-promote ng MMFF 50th edition na may temang Sine-Sigla sa Singkwenta.

We will make EDSA nostalgic through murals of hand-painted movie posters to celebrate the rich history of MMFF.

“Ang proyektong ito ay hindi lang pagpapaganda ng walls sa EDSA sa pamamagitan ng art works para sa advocacy ng MMDA na mapaganda ang City, at the same time ay para mai-promote ang 50th anniversary ng MMFF ngayong taon.

“Iyan ay sa pamamagitan ng pagpipinta sa wall ng EDSA ng mga lumang posters ng mga past classic movie na kasali sa MMFF na nakita sa mga sinehan noon,” sambit ni Chairman Artes.

This program of MMDA really symbolizes our shed commitment and using creatively to enhance public spaces and the artworks of our students will showcase not only their skills to the Filipino life, community and the creativity that Filipino creatives really manifest. 

“So we hope, and  we’re excited to show that at least our personal, inspire and remind everyone that our creative collaborations in shaping  urban environment. We’re very, very excited to MMDA for these trust to us,” sabj naman ni Ms Wong.

Idinagdag pa ni Artes na inimbita nila ang isang female celebrity para sa  pagpipinta kasama ang mga iAcademy student sa September 10, 2024.

Nang itanong namin kung sino ang naturang female celebrity. Ayaw pang ibuking ni Chair Ates kaya tiyak na marami ang mag-aabang kung sino ang makikitang magpipinta ng mural sa EDSA.

Bago ito ay ibinandera ng MMDA at MMFF ang unang limang pelikula na pumasok sa Top 10 ng ika-50 taon ng taunang filmfest.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …