Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Yulo Carlos Yulo

Carlos at inang Angelica dapat magkapatawaran

MA at PA
ni Rommel Placente

NGAYONG nakauwi na ng  Pilipinas ang 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, inaabangan na ng lahat kung ano na ang magiging hakbang niya para magkaayos na sila ng kanyang ina na si Angelica Yulo.

Naniniwala ang kanyang mga tagasuporta na mas magiging kompleto ang kanyang tagumpay kung tuluyan na silang magkakaayos ng ina. 

May mga nag-suggest na sana’y siya na ang magpakumbaba sa kanyang ina para maging maayos na ang kanilang relasyon at huwag nang pagpiyestahan ng mga intrigera’t intrigero ang pamilya nila.

Komento ng iba sa social media, walang mawawala kay Caloy kung siya na ang unang lalapit at makikipagbati kay Angelica, at siguradong mas magiging maligaya pa siya kapag nangyari ito.

Pero may ilang netizens naman ang nagsabi na kung talagang nais maayos ni Angelica ang pamilya, bilang ina ay siya na ang unang lumapit sa anak at tapusin na ang alitang namamagitan sa kanilang mag-ina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …