Saturday , December 21 2024
Carlos Yulo Chavit Singson

Chavit Singson nagbigay ng ₱5-M kay Carlos Yulo at pamilya nito

NAGBIGAY ng ₱5-M reward ang business magnate at dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa world-class gymnast na si Carlos Yulo at sa pamilya nito. Ang regalo ay bilang pgpapahalaga ng pamilya Yulo at ng partner ni Carlos sa nagkakaisang pamilya.

Ani Singson, na kilala sa pagpapahalaga sa pamilya, na ang pabuya ay hindi lamang para sa mga gintong medalya ni Yulo kundi bilang pagpupugay sa lakas at pagkakaisa ng pamilya Yulo. “Ang gantimpala ay isang pagkilala para sa huwarang pagganap ni Yulo sa Paris Olympics at higit pa sa pagkakaisa ng pamilya Yulo at kapareha niya,” ani Manong Chavit.

Para kay Singson, ang pamilya ang pundasyon ng tagumpay ng isang tao at ang embodiment ng mga pagpapahalagang naipapasa sa henerasyon. 

Sinabi pa ni Singson, “Sa pagbibigay ng gantimpalang ito, umaasa akong magpapakita ito ng isang makapangyarihang mensahe na ang tagumpay ng isang indibidwal ay hindi lamang sa kanila, ito ay ibinabahagi ng mga taong naninindigan sa kanila, ibinabahagi ito sa mga taong nagmamaha sa kanil,a nagbibigay patnubay, at walang sawang suporta.”

Umaasa pa si Manong Chavit na ang gawing ito ay magbibigay inspirasyon sa iba pang mga pamilya para pahalagahan ang isa’t isa sa kanilang tagumpay at anumang hamon ng buhay.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …