Sunday , December 22 2024
Susan Enriquez Empoy Marquez

Susan at Empoy kakaiba ang chemistry

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG bagong kabanata para sa longest-running historical, traditional, at cultural show ng GMA Public Affairs na I Juander ang masasaksihan dahil ipakikilala na ang bagong co-host si Susan Enriquez, ang komedyante at “Pambansang Leading Man” na si Empoy Marquez.

Good vibes at mga bagong kaalaman ang naghihintay sa mga ka-Juander dahil sabay tutuklasin nina Susan at Empoy ang mayamang pagkakakilanlan ng mga Filipino sa masaya ngunit nakatututong paraan.

Pagbabahagi ng pinakabagong Ka-Juander, surprise at excitement ang nadama niya nang bigyan siya ng pagkakataong maging bahagi ng programa.

Sobrang overwhelmed ako, I was surprised at ako’y kinuha ng ‘I Juander’ bilang kasama at kapartner ni Mama Su. Sobrang happy ako na kasama na ninyo sa programa at looking forward ako sa iba pa naming gagawin,” ani Empoy.

Siniguro naman ni Susan sa viewers na mas marami pa silang matututunan at mas magiging masaya ang kanilang Sunday night, lalo na kasama na niya si Empoy bilang co-host.

Magaan katrabaho si Empoy dahil siya ay isang komedyante, so I hope it will be more fun working with him sa mga darating pang episode ng ‘I Juander.’ I hope magkakaroon kami ng magandang chemistry ni Empoy. We’ll make sure na sa panonood ninyo ng ‘I Juander,’ matututo na kayo, at the same time, magiging magaan ang inyong Linggo ng gabi bago matulog dahil kayo’y napasaya namin sa mga episode na i-o-offer ng programa kasama si Empoy,” pagbabahagi pa ni Susan.

Sa kanilang unang episode together, masayang ipasisilip nina Susan at Empoy and kultura at tradisyon ng kanilang sariling hometown.

Magtutungo si Empoy sa kanyang probinsiya sa Bulacan para tuklasin at tikman ang ilan sa mga ipinagmamalaking local delicacies. Samantala, lilibutin naman ni Susan ang Cavite para itampok ang ilan sa mga kakaiba at masasarap na putahe ng siyudad.

Magkakaroon din ng labanan ang Bulaceño at Caviteña dahil sasalang ang dalawang hosts sa exciting challenges na maglalabas ng kanilang husay sa pagluluto.

Makisaya sa makulay na paglalakbay nina Susan at Empoy tuwing Linggo, 8:00 p.m. sa GTV.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …