Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GMA Public Affairs Maka

Mga bida sa youth oriented drama series dumaan sa series of auditions

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIBIDA sa bagong Gen Z series ng GMA Public Affairs na Maka ang Sparkle young stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, at Marco Masa. Makakasama nila rito ang Sparkle teen stars na sina Olive May, John Clifford, at Dylan Menor.

Sa ginanap na storycon ng youth-oriented drama series, magbibigay-kulay sa kuwento ang anim na estudyante sa arts and performance section ng Douglas Mac Arthur High School for the Arts.

Hindi nga raw biro ang naging daan para makuha ang kani-kanilang role dahil dumaan sa series of auditions ang young stars. Kaya naman bakas ang tuwa sa mga Kapuso star na mapabilang sa seryeng ito.

We’re so excited. Medyo nakaka-pressure po. Nandoon ‘yung talagang gusto naming maibigay ‘yung 100 percent namin. We’re so grateful po,” pagbabahagi ni Zephanie sa isang panayam.

I think good pressure naman ito,” saad ni Marco. “Mas invested na ako sa character ko. Mas excited na ako for what will happen sa set. Ito rin ‘yung way to communicate with the Gen Zs ngayon,” say ni Marco.

“[I’m] Super happy to play my role dahil medyo influencer din,” sabi naman ni Ashley na hindi maitatangging isa sa mga young star na may malaking followers sa social media ngayon.

Excited na rin sa kanilang project sina Olive May, John Clifford, at Dylan.

Say ni Olive May: “Sobrang saya. As in noong nabasa ko ‘yung message, sabi ko ‘Seryoso ba ito?!”

“Ito ‘yung one of the shows na dream ko talaga. I want to be in a teen musical drama,” wika ni John.

I’m so happy and thankful na makakasama ko silang lahat,” dagdag ni Dylan.

Regular na napapanood si Zephanie sa All-Out Sundays at kamakailan nga ay may cameo role siya sa primetime series na gumaganap siya bilang si Chichay, isa sa chorus girls ng tinaguriang Queen of Bodabil na si Katy Dela Cruz played by Julie Anne San Jose.  Pinakilig naman ng #AshCo love team na sina Ashley at Marco ang fans nila sa katatapos lamang na seryeng Black Rider.

Bukod naman sa pagiging Miss Teen 2019 for the Central Visayas, kilalang miyembro si Olive May ng all-girl P-pop group na Calista. Hindi rin papahuli sina John at Dylan na bukod sa pagkanta ay nagpakitang gilas na rin sa pag-arte sa ilang pelikula at Kapuso shows.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …