Sunday , December 22 2024
Mon Confiado NBI

Mon Confiado inireklamo na sa NBI vlogger na si Ileiad a.k.a. Jeff Jacinto 

INIREKLAMO na ni Mon Confiado sa National Bureau of Investigation (NBI) ang vlogger na si IleiadJeff Leanneroie Bonilla Jacinto kahapon dahil sa pagpo-post nito sa kanyang Facebook account na hindi raw nagbayad ng biniling tsokolate sa isang grocery ang aktor.

Nag-post si Ileiad ng kuwentong wala namang katotohanan kalakip ang picture ni Mon para gawing content at makakuha ng maraming views.

Hindi ito nagustuhan ni Mon at inalmahan. Humingi ng sorry ang vlogger subalit hindi naman tinanggal o inalis ang post kaya naman lalong nainis ang aktor. Sinabi rin ni Mon na hindi sincere ang paghingi ng apology ng vlogger.

Nagtaray pa ang vlogger nang sabihan siya ni Mon na gagawan niya iyon ng legal action. Sinabihan nito si Mon ng, “Is this a threat?”

Kaya kahapon, pormal nang naghain ng kaso sa NBI si Mon laban kay Ileiad.

Ibinahagi ni Mon sa kanyang Facebook account ang iniharap niyang reklamo sa NBI. 

Dear Mr Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto alias ILEIAD.

Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao.

Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD,

“Ako ay isang tahimik na tao. Never na nasangkot sa kahit isa o anumang mang gulo sa buong buhay ko. Wala ako ni isang kaaway o nakaaway man lang.

“Ako ay tahimik na nagtratrabaho lamang bilang aktor. At bilang aktor, ang aking pangalan ay aking pinagkaka ingat-ingatan dahil ito ang aking puhunan para ako ay makakuha ng trabaho.

“Ngunit ako ay nagulat dahil biglang direktang ginamit mo ang aking pangalan at larawan ng walang pasintabi sa isang joke na tinatawag niyong ‘copypasta.’

“Ang problema kahit ito ay isang joke o ‘meme’ lamang, hindi pamilyar ang lahat ng tao dito at ito ay ipinost mo sa Facebook  At alam mo naman ang mga tao ay napakadaling maniwala sa mga ganyang posts.

“Siyempre ang ilan d’yan ay maniniwala at ire-repost agad dahil katulad mo ay gusto lang din makakuha ng mga likes kahit may masagasaan.

“Ako ay may mga ginagawang pelikula, may mga endorsements at may on-going na transaction para maging ‘brand ambassador’ ng isang produkto.

“Paano kung dahil sa maling pagkakaintindi sa joke mo ay maapektuhan ang aking mga trabaho? Dapat ba ay tumahimik lang ako? Dapat ba ako pa ang mag adjust at pabayaan ko na lang at huwag na ako mag react?

“Mr. Jeff Jacinto, uulitin ko, ako ay nananahimik at ginulo mo. Pero nu’ng nag comment ako sa post mo at sa messenger mo, sinabihan mo pa ako ng ‘is this a threat?’ Hindi mo pa din ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi.

“Oo. Nagpublic apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo. At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama.

“Ngayon, Mr. Jeff Jacinto alias ILEIAD. Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay HINDI JOKE. Ito ay TOTOO.

“Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed.

“Lubos na gumagalang,

“Mon Confiado.”

Bago ito’y nag-post muna si Mon ng ganito sa kanyang Facebook account kalakip ang fake news post ni Ileiad sa kanyang socmed acct.

Ayoko na sana patulan itong certain Ileiad na ito… pero tama pa ba ang ginagawa ng mga content creator na ito? Gumawa ng story using my name & my photo… na meet daw nya ako sa grocery at magpapa picture daw sya pero dinuro duro ko daw sya sa mukha at nakita nya na hindi ko binayaran ang 15 Milky Way Choco Bars na kinuha ko… at pinagsisigawan ko daw ang cashier ng grocery. Pinapalabas pa nito na magnanakaw ako… nung sinita ko. Joke daw ito at ito ay “Copypasta” at biglang nilagyan ng “disclaimer” ang post nya pero huli na. Pero hindi pa din inaalis ang post nya. Joke at my expense? Joke pero nakakasira ng tao? Bakit ka magjo joke sakin? Close ba tayo? Parang sobra na itong mga ito ah at para makakuha lang ng mga likes kahit makasagasa sila ng tao. Tapos sasabihin Joke. Ang daming nag message sa akin at tinatanong kung totoo ba ito? Of course, Sabi ko hindi yan totoo. Never happened. At hindi ako ganung tao. At may pagka mayabang pa itong Ileiad na ito… nung sinabi ko idedemanda ko sya dahil ayaw pa nya tanggalin ang post nya. Threat daw ba ito? Grabe itong taong ito!

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …