Friday , September 13 2024
Jojo Nones Dode Cruz Sandro Muhlach

Jojo Nones, Dode Cruz itinanggi bintang ni Sandro Muhlach: Bakla kami pero hindi abuser

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARIING itinanggi nina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz, GMA 7 independent contractors na na inabuso at hinalay nila si Sandro Muhlach.

Sa pagdalo ng dalawa sa ginanap na Senate hearing kahapon para sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media humingi ng paumanhin ang 

mga ito sa hindi pagdalo noong isagawa ang unang pagdinig.

Anila, hindi sila dumalo sa first hearing dahil natakot silang mahusgahan agad ng publiko.

Agosto 10 unang isinagawa ang unang pagdinig na hindi nakadalo sina Jojo at Richard kaya naman ipina-subpoena sila ng Senado.

Sa kanilang pagharap, itinanggi nila ang sexual harassment na isinampa laban sa kanila ni Sandro.

Sa binasa nilang official statement sinabi ni Jojo na, “Bago po ang lahat, gusto po naming humingi ng paumanhin sa hindi namin pagdalo sa unang pagdinig.

“Inaamin po namin na natakot po kaming ma-subject sa media circus at premature trial. Gayundin po, natakot din kami na malabag namin ang confidentiality ng imbestigasyon na isinasagawa ng NBI (National Bureau of Investigation) nang nagsimula na ang mga panahong iyon at nagpapatuloy pa rin sa ngayon.

“Nasabihan po kasi kami na bawal ilabas ang lahat ng mga counter-allegations at ebidensiya namin sa publiko, dahil ayon sa NBI ay kahit ang alegasyon ng diumano’y biktima ay hindi pa rin nila maaaring ilabas dahil subject pa ito sa validation ng kanilang ahensiya.

Lahat pa raw po ng hawak ng NBI ay hindi pa ebidensiya hangga’t hindi pa napapasa sa piskalya.

“Subalit matapos po naming mapanood ang nakaraang pagdinig ay nakita po namin na hindi mangyayari ang aming kinakatakutan dahil sinabi at siniguro naman po ng kagalang-galang nating chairman na si Senator Robin Padilla na hindi magiging korte ang senado.

“Kaya humihingi rin po kami ng patawad sa kagalang-galang nating senador na si Jinggoy Estrada, kung naunahan po kami ng takot, kaba, at pangamba.”

Pagkaraan ay inamin nina Nones at Cruz na sila ang “independent contractors” ng GMA Network na inirereklamo ni Sandro.

Ani Cruz, “Opo, kami po ang independent contractors ng GMA Network na tinutukoy sa mga online post na kumalat noon mga nakaraang araw.

“Subalit, hindi po kami gumawa ng anumang sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach.

“Sa pagkakataong ito, sa harap ninyong lahat, mariin pong itinatanggi namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin.

“Kami po ay hindi executives ng GMA Network, tulad ng lumalabas. Taliwas sa sinasabi online, wala po kaming kapangyarihan o impluwensiya sa network, lalung-lalo na sa mga artista nito.

“Sinabi naman po ng GMA na hindi kami regular employee ng network. Alam po namin na konting pagkakamali lamang na nagawa namin sa produksiyon ay maaaring ma-terminate ang aming kontrata at mawalan kami ng trabaho.

Tumagal kami sa telebisyon ng more or less 30 years, at bago ang pangyayaring ito ay malawak ang aming naging kontribusyon sa industriya sa telebisyon sa pamamagitan ng naiambag naming mga award-winning at top-rating television shows and teleseryes.

“Maganda po ang takbo ng aming karera. Maitatanong niyo po sa aming mga nakatrabaho at masasabi naman po namin na iginagalang kami at naging malinis po ang reputasyon namin sa aming naging employer at nakatrabaho sa loob ng 30 taon.

“Sa tinagal-tagal namin sa industriya, wala po kahit ni isang reklamo, sexual man or anuman ang nag-file sa amin. Kaya hindi po namin sisirain ang iniingatan naming pangalan, karera, at reputasyon para makapang-abuso o harass ng isang tao.”

Dagdag pa ni Jojo, “Lalo na po na alam namin na anak ng sikat na artista at maimpluwensiyang pamilya si Sandro. Ano naman po ang laban naming mga ordinaryong manggagawa lamang laban sa kanila?”

Inamin naman kapwa nina Nones at Cruz na miyembro sila ng LGBTQIA+ community. 

Hindi naman po namin itinatanggi na bakla kami,“ ani Nones.

Sa katunayan, ang pagiging bakla namin ang isa sa mga dahilan kaya kami naging creative, artistic, at nagkaroon ng skills na kailangan sa industriya.

“Buong buhay namin ginamit namin ang pagiging bakla namin sa maayos na paraan para maitaguyod ang aming pamilya.

“Kaya napakasakit sa amin at sa aming pamilya na mabasa ang aming mga pangalan online na may caption na bakla o kung anu-anong masasakit at mapanirang puri na bansag at deskripsyon.

“Bakla po kami, oo, pero hindi kami mga abuser. Bakla kami, oo, pero hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa. Bakla kami, oo, at may takot po kami sa Diyos.”

Iginiit din ni Nones na hindi sila mga kriminal.

Sa huli, kami rin po ay humihingi ng hustiya. Mabigyan sana ng hustisya ang malisyosong pagbibintang sa amin.

“Kaya po naming patunayan sa piskalya o anumang korte na wala kaming kasalanan. Hintayin lang po sana natin ang proseso, ang due process.

“Pero habang hinihintay po yan, humihiling po kami sa sambayanan na huwag niyo muna po kaming husgahan, ituring na parang mga convicted criminals.”

Nagbigay pa sila ng mensahe kay Sandro, “Kay Sandro, wala kaming ginawang masama sa iyo, alam mo yan sa puso mo. Hindi pa huli ang lahat na magsabi ng totoo.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Elia Ilano

Elia Ilano, kaabang-abang sa pelikulang Nanay Tatay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SADYANG ayaw paawat sa paghataw sa kanyang showbiz career ang …

Teejay Marquez A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Teejay handang tumulong politika ‘di papasukin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO ang nilalakad ni Mayor Marcos Mamay (ng Nunungan, Lanao del Norte) noong …

Mon Mendoza Calvin Reyes

Mon at Calvin palaban, ‘kakagat sa alok’ para sa pamilya

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI pa talaga matatapos ang usapin ng sexual harassment na may …

Lilo Eigenmann Alipayao

Andi ibinandera galing ni Lilo sa pagse-surf

MA at PAni Rommel Placente BINUWELTAHAN ni Andi Eigenmann ang mga pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru hanggang pangako muna ng kasal kay Bianca

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Bianca Umali, nangako raw ng kasal sa kanya ang …