Monday , December 23 2024
Sinag Maynila 2024

Sinag Maynila 2024 makabuluhan ang pagbabalik; 7 full length film masisilayan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISA kami sa natuwa sa pagbabalik ng Sinag Maynila Film Festival na apat na taon din palang hindi nasinagan. Isang malaking tulong din kasi ang festival na ito para makatulong sa mga film maker na maipakita ang kanilang mga pelikula lalo’t may mga galing pa sa regional. Isasabay din dito ang Buwan ng Turismo ng Maynila ang Buwan ng Industriya ng Pelikulang Pilipino.

Sa pagbabalik ang Sinag Maynila Film Festival masisilayan ang pitong full-length na tampok na pelikula, pitong dokumentaryo, at sampung maikling pelikula na nilikha ng mga pinakakapana-panabik na Filipino filmmakers ngayon. Makabuluhan ang pagbabalik dahil ang iconic filmfest na itinatag ni Solar Entertainment President Wilson Tieng at kilalang direktor na si Brillante Mendoza na minarkahan din ang pagdiriwang ng Buwan ng Turismo ng Maynila at ang Buwan ng Industriya ng Pelikulang Pilipino. 

Lahat ng Sinag Maynila 2024 finalist-films ay mapapanood sa mga sinehan mula Setyembre 4-8, 2024.

Ang Sinag Maynila 2024 ay ang ikaanim na edisyon ng film festival. Kasama sa  full-length feature films ang social drama na The Gospel of the Beast ni Sheron Dayoc na pinagbibidahan nina Jansen Magpusao at Ronnie Lazaro. Ayon kay direk Sheron, ito’y kuwento ng isang batang si Mateo (Jansen) na biktima ng bullying na nakapatay. Tumakas ito kasama ang tiyuhing parte ng sindikato. Si Jansen ang napili sa mga nag-audition sa naturang karakter. Hindi bago ang pag-arte kay Jansen na itinanghal na Best Actor sa 2019 Cinemalaya film, ang John Denver Trending.

Nariyan din ang family drama na Her Locket ni JE Tiglao na pinagbibidahan ng producer-lead actress na sina Rebecca Chuaunsu at Elora Españo. Ang action picture na Banjo na isinulat, idinirehe at pinagbibidahan ni Bryan Wong.

Kasama rin ang OFW-themed romance na kinunan sa Canada ni Benedict Mique, ang Maple Leaf Dreams na pinagbibidahan nina Kira Balinger at LA Santos. Ani L.A. very challenging ang pelikula bukod sa ibang bansa nila ginawa ito. “Sobrang lamig kaya ayaw lumabas ang luha, isa ‘yun sa challenging and sa sobrang limited ng time na kailangang maka-deliver agad kami,” ani LA.

Nariyan din ang psychological thriller na What You Did ni Joan Lopez Flores na pinagbibidahan nina Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Epy Quizon, Mercedes Cabral, at Ana Abad Santos. Ito yata ang pinaka-star studded movie na kasali sa festival. Sabi nga ni direk Joan, ang pelikula ay, “story of survival, story of conflict.” Itinuturing naman ni Tony na pinakamahirap na character ang nagampanan niya sa pelikulang ito bagamat hindi na bago. “Simula nang nag-umpisa akong umarte ang naibigay agad sa akin mahihirap. Eh gusto ko makaganap ng mala-teenybopper na character. Hindi ko na-experience and pabigat ng pabigat ang nabibigay sa akin.

“This movie was amazing, it was crazy, it was harder, it was a challenge. Ang dami kong natutunan about myself, about the character, about certain things ayun kaya super special ang pelikulang ito para sa akin,” sabi pa ni Tony.

 Interesting din ang dramang Salome ni Gutierrez Mangansakan II kasama sina Perry Dizon, Tommy Alejandrino, at Dolly de Leon napawang mga historian at curator ang mga karakter na ginagampanan. Mula sa Mindanao ang mga namahala sa pelikulang ito. “Unique ang Salome dahil it explores the theme of history, indegenous history and there’s mystery. Mystical and it was a reimagination of Elias and Salome, ang Kabanata X ni Dr Jose Rizal. And it evolve something more than that,” esplika ng editor nitong si Edmund Telmo.

Kasama rin ang thriller na Talahib (Alamat ng Matataas na Damo) ni Alvin Yapan na pinagbibidahan nina Joem Bascon, Gillian Vicencio, at Kristoff Garcia. Ayon kay direk Alvin, madugo ang kanyang pelikula. “Sinadya talaga namin na madugo, hindi gore pero bubuhos ang dugo. Hindi kami R18, pero hopefully PG13. Wala naman kaming decapitation, pero there’s blood. Gusto pa rin namin na mas maraming makapanood.”

Sa documentary section naman kasama ang Ghosts of Kalantiaw ni Chuck EscasaIno ni Ranniel SemanaNatatanging Palayok (The Exceptional Pot) ni Ein Gil Randall S. CamuñasPag-Ibig Ang Mananaig (Love Will Prevail) ni Jenina Denise A. DomingoPanatag(Tranquil) ni Allan LazaroUntitled/ Unfinished ni Matthew Victor Pastor, at Way of the Balisong ni Paul Factora.

Para sa mga maiikling pelikula, kasama sa lineup ang 14 Days ni Nars SantosAng Maniniyot ni Papa Jisos (Litrato ni Father Jisos) ni Franky ArrocenaAs the Moth Flies ni Gayle Oblea, Bisan Abo Wala Bilin (Kahit Abo, Walang Natitirani Kyd Torato, Kiyaw (Hill Myna) ni Jericho Jeriel, ILO niSerafin Emmanuel P. Catangay, Mananguete (The Coconut Sap Collector) ni Mery Grace Rama-Mission, Ina Bulan ni Melver Ritz L. Gomez, Sa Paglupad Ka Banong (The Flight of Banog) niElvert Bañares, at Suka and Toyo Can Make Adobo (Vinegar and Soy Sauce Can Make Adobo) niJude Matanguihan.

Ang mga finalist ay pinili mula sa daan-daang entry na natanggap mula sa mga Filipino filmmakers mula sa buong mundo. 

Sa oras na isinara namin ang pagsusumite noong Hulyo 24, nakatanggap kami ng napakaraming bilang ng mga entry,” anang co-founder ng Sinag Maynila na si direk Brillante. “Ang aming screening committee ay nahirapan sa paggawa ng kanilang mga pagpipilian dahil ang lahat ay may matibay na dahilan para maisama,” dagdag pa niya.

Si G. Wilson, ang ama ng Sinag Maynila, ay labis naman ang kagalakan. “It just goes to show that there are so many talented Filipino filmmakers and they are raring to show their works and are looking for avenue to present their stories. Masaya ang ‘Sinag Maynila’ na makapagbigay ng pagkakataon para sa kanila. Sa suporta ng aming mga kasosyo at ng mga manonood ng pelikula, maaari naming ipagpatuloy ang aming adbokasiya para sa ‘Sine Lokal, Pang-International.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …