Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelica Yulo Carlos Yulo

Ina ni Caloy na si Angelica lumambot na, inamin pagkakamali

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALANG ibang usapan ngayon kundi ang kaso ni Sandro Muhlach at ang panalo at problema sa pamilya ni Caloy Yulo.

Pero iyong kaso ni Yulo mukhang lumambot na rin ang matigas na pahayag ni Angelica Yulo laban sa kanyang anak, na sinasabi niyang iyon daw ay maramot at sinusumbatan pa niyang kundi naman dahil sa kanya hindi naging tao iyon. Kaya obligasyon ni Carlo na tulungan sila.

Kung minsan nga naman kakatuwa na ang anak ay isa nang milyonaryo pero ang magulang ay hindi. Buti kung kagaya ni Mommy Dionisia na ibinigay lahat ni Pacman ang kaluwagan may boyfriend pa ngang bata sa ngayon. Pero si Mommy D, panay ang rosaryo basta may laban si Pacman, si Angelica kinampihan pa ang Japan sa laban ng anak.

Pero siguro nang marinig ang mismong statement ni Carlo may nagpayo rin sa kanyang mukhang nalihis siya sa mga sinasabi niya. Wala naman palang sinabi si Carlo na ninakaw niya ang pera niyon. Ang sinasabi lang niyong bata natanggap na pala niya ang incentives sa pagkapanalo noon sa World Championships, hindi man lang sinasabi sa kanya. Nakita rin daw niya ang lahat ng withdrawals sa kanyang bank account pero hindi naman sa maliit lang o malaki ang nakuha, ang sinasabi lang niyong bata dapat ipinaalam sa kanya para alam niya kung saan gagamitin. Hindi iyong basta kinuha na lang at sinabing maliit lang naman at hindi ikasasakit ng bulsa niya.

Naintindihan namin iyong punto ni Carlo eh, nagtiwala siya, lahat ng kanyang bank account ang may hawak ay ang nanay niya. Dumating na sa punto na nakakakuha na iyon ng pera sa kanyang naipon ng hindi niya alam, karapatan naman niyang malaman kung saan napunta iyon at kung saan ginamit. Hindi naman siya nagmamaramot, hindi naman niya sinasabing ibalik ang nakuha na ng nanay niya gusto lang niyang malaman kung saan iyon ginamit.

At least inamin ni Angelica ang kanyang pagkakamali, at humingi siya ng dispensa sa anak niya dahil sa kanyang mga nasabi. Gusto raw niyang magkausap sila privately bilang isang pamilya at kalimutan na ang mga problema, hindi naman daw dapat na malaman iyon ng iba pa eh bakit ba lumabas iyan? Sino ba ang naglabas niyan sa social media. 

Ngayon sinasabi niya biktima siya ng mga fake FB accounts. Iyon pala fake bakit hindi niya sinabi agad noong una, na huwag kayong maniwala diyan hindi ako iyan.

Anyway, wala na tayong pakialam diyan bahala na sila sa buhay nila. Matatanda na sila eh at kasabaihan nga “buntot nila hila nila.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …