HATAWAN
ni Ed de Leon
HINDI naman ito kaso ng sexual harassment. Isa itong kaso ng prostitusyon. Isang baguhang male starlet ang sinasabing sumasama sa mga bading sa halagang P10,000, o kung minsan at mabobola niya ang bading ay higit pa.
Noong araw nga raw na wala pa iyang name at hindi pa ganoon kapogi dahil hindi pa retokado nang husto ang mukha, pumapatol na iyan sa P5K.
Sabi nga nila minsan daw basta nakainom na mapagbigay na eh, lalo na sa mga kaklase pa lang niya noong araw, alam naman niyang wala siyang makukuha sa estudyante pero at least nakakaraos siya.
Ngayon daw ay nag-aalala siya dahil totoo palang hindi pa nade-delete ang mga ginawa niyang sex videos noon para sa isang bading, at marami pala silang picture together na nakahubo’t hubad siya. Na-realize niya ngayon, unti unti na siyang nagkakaroon ng pangalan paano kung lumabas iyon? Mabubuko rin naman ang lihim niya no comparison siya kay Mark Anthony Fernandez. Direct opposite siya niyon.
Bahala siya malaki na siya eh. Matuto na lang siyang makisama pa para huwag kumalat iyon. Kung siya pa ang mayabang, malamang nga sa hindi may magkalat niyon.