Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Claudine Barretto Angelu de Leon

Claudine sising-sisi, Angelu naghihintay ng pagkakataon

MA at PA
ni Rommel Placente

NATANONG si Claudine Barretto sa 20th wedding anniversary nina Gladys Reyes at Christopher Roxas kung  game ito sa reunion project nila with Angelu de Leon and Judy Ann Santos.

Sagot ni Claudine, “No, no, no. Hindi! Ikaw lang, at ako, at si Juday. Walang Angelu.”

Pero sa isang panayam, sinabi ni Claudine na nagsisisi siya kung bakit nabanggit niyang ayaw makasama si Angelu sa isang pelikula.

Sey ni Claudine sa panayam ni Ogie Diaz, “Alam mo, nagsisisi ako sa ginawa ko. At tina-try ko talaga na i-contact (si Angelu).”

Nagpakatotoo lang daw siya nang sinabing ayaw maka-work uli si Angelu dahil ilang beses na rin niya itong pinakiusapan, “please stop talking about my life especially when you’re not asked.”

Sumama raw talaga ang loob niya kay Angelu pero naniniwala siya na magkakaayos din sila. “Alam kong in the days to come, alam kong tatawagan ko rin siya.

Mali ko ‘yun pero in truth talaga, I don’t think talaga tama na magkasama kami. ‘Yun ang feeling ko ngayon, ha? Iba kasi ‘pag nakausap ko na. ’Yung galit, wala akong galit. Ayoko lang,” sabi pa ni Claudine.

Sa guesting ni Angelu sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, August 1, ay natanong siya tungkol sa controversial issue sa kanila ni Claudine.

There was this issue, Clau spoke about not wanting to work with you for some reason. And then there’s another declaration that she said she regretted it.

“I hope my narrative is correct. But she was trying to reach out to you,” ang sabi sa kanya ni Kuya Boy.

Sundot pa niya, “Kayo ba’y nagkausap na? Kayo ba’y nagkaayos na?”

Maikling tugon ni Angelu, “Wala pang pagkakataon pero umaasa pa rin ako na darating ‘yung panahon na ‘yon.”

Well, sana nga ay magkaayos na sina Claudine at Angelu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …