Monday , December 23 2024
Sue Ramirez Barbie Imperial How To Slay A Nepo Baby

Sue at Barbie pinangunahan Nepo Baby red carpet with a cause

ALIW kami sa reaksiyon ng mga nanood sa premiere night ng How To Slay A Nepo Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Barbie Imperial handog ng Viva Films at Happy Infinite Productions. Palabas na ito sa mga sinehan sa kasalukuyan.

Bagamat isang thriller film ang pelikula aba’y nagkakatuwaan pang mag-dialogue ng ‘twit’ habang papalabas ng sinehan dahil may mga eksena sa pelikula na nagsalita niyon ang isang komunidad na tinatawag na Lunti.

Medyo may pagka-weird ang pelikula na kung mahilig ka sa ganitong klase ay mabilis mong masasakyan.  

Literal na slay ang mapapanood sa pelikula kasama ang kanilang barkada na puro mga rich kids na mahaharap sa bingit ng kamatayan. 

Isang grupo ng mayamang magkakaibigan ang nagbyahe pa-norte papuntang Sagada para mag-celebrate ng kanilang work anniversary. Plano nilang magkaroon ng isang careless, carefree, at wild na gabi at magpapakalunod at magpapakalasing sa alak at bisyo. At doon may pangyayaring magiging daan para mapunta sila sa Lunti, isang tagong komunidad na pinamumunuan ng isang misteryosang babae na si Inayon. Sasalubong sa magkakaibigan ang mga hindi pangkaraniwang tradisyon at pamumuhay, isang lugar na nababalot ng dilim at kababalaghan, at puno ng mga bagay na hindi basta-basta maipaliwanag.

Ang How To Slay A Nepo Baby ay pelikula ng FAMAS nominated screenwriter at multi-awarded director na si Rod Marmol. Bida rin dito sina Phi Palmos, JC Galano, Charm Aranton, Chaye Mogg, Sue Prado, NAIA Ching, Ralph Gomez, Phi Gomez, at Coi Suazo.

Ang isinagawang red carpet premiere noong Lunes sa SM Megamall ay premiere with a cause na hinimok nina Sue at Barbie kasama ang iba pang bida na mag-donate ng relief goods tulad ng pagkain, toiletries, at mga damit ang kanilang fans para sa mga biktima ni Carina.

Ani Barbie, ang Viva ang nagplano ng red carpet with a cause. “Ang Viva ang nagplano nito.”

“This is something else. We were suppose to have a premiere day after typhoon. But we decided to postpone to be sensitive,” sabi naman ni Sue na ang pelikula nila ay ibinabahagi rin nila sa mga naapektuhan ng bagyo.

Hinimok naman kapwa nina Barbie at Sue na panoorin ang kanilang pelikula. 

Ani Barbie, “Ang daming lessons dito sa pelikula namin. Maraming negative na ugali ang mga character na akala nila ganoon lang kadali makuha ang mga bagay-bagay. People should watch para malaman nila na hindi ganoon ang buhay. Some really work hard for what they have.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …