Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi Coco Martin

Ivana sa pagkawala sa Batang Quiapo: walang nangyaring tinanggal ako

MA at PA
ni Rommel Placente

SA interview ni MJ Felipe kay Ivana Alawi, nagbigay na ng pahayag ang dalaga tungkol sa mga naglabasang chika na kaya pinatay ang character niya sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin, ay dahil uma-attitude na raw siya sa shooting.

“It’s something that I’ll treasure for a long time ‘cause this is the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things which is action, may comedy kami, mayroong romance and you get to do that all in one project and of course, with that ‘yung tulong ni Direk Coco Martin,” sabi ni Ivana.

Dagdag chika pa ni Ivana tungkol kay Coco,  “He was very hands-on at talagang inalagaan niya ko from day one and I’m very thankful also to the whole cast. The whole cast, the whole team, ‘yung production sobrang babait nila.”

Ayon pa kay Ivana, tatlong buwan lang sana ang itatagal niya sa Batang Quiapo pero tumagal siya rito.

“Unang-una, tumawag sa akin si Tita Cory (Vidanes), sila Direk Coco sabi nila may project, itong ‘Batang Quiapo.’

“This was during the time noong ikinasal si Lovi (Poe). So sabi ko, ‘Okay po, how long?’ kasi hindi ko kayang matagal ‘cause I have other work. I have my vlog, I have other commitments also abroad.

“Sabi ko ‘how long?’ ‘Tapos sinabi 3 months. ‘Okay, sige 3 months. I’ll do it,’ sabi ko. Okay kasi ganoon ako, eh. Kapag papasok ako sa isang trabaho gusto ko ibibigay ko lahat. Hindi ‘yung after one month pagod na ako. Hindi eh. So, 3 months taping okay,” kuwento ni Ivana.

Hindi niya raw namalayan na na-extend na pala siya nang na-extend.

“Magwa-1 year na! So nag-click siya. So nag-catch up lahat ng commitments ko. As in nahuhuli na ako so, nagpaalam ako nang maayos sabi ko hindi na talaga kaya.”

Pagpapatuloy pa niya, “Minahal ko talaga ‘yung character kong si Bubbles, so nagpaalam ako. So walang nangyaring tinanggal ako or something like that. That’s not true.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …