Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sandro Muhlach Niño Muhlach

Niño nagbanta: inumpisahan nyo tatapusin ko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HABANG abala kami sa kasasagot sa dami ng mga bumati sa aming kaarawan noong isang araw, marami rin ang nagtatanong o nakiki-marites kung sino si Sandro Muhlach at bakit pinag-uusapan ito sa social media.

Unang-unang,  si Sandro ang panganay na anak ni Nino Muhlach na Kapuso artist. Kung ilang beses na naming nakaharap ang batang ito na kasa-kasama ni Nino sa mga showbiz event at kita ang pagiging magalang at mabait.

Matunog ang pangalan ni Sandro kasunod ng mga naglabasang blind item tungkol sa isang baguhang aktor na hinaras at hinalay umano ng dalawang “powerful gay executives” na konektado sa isang TV network.

At dahil magagaling ang netizens, nahinuha agad nila na ang tinutukoy sa blind item ay ang batang aktor, si Sandro bagamat wala namang nagkokompirma na tama ang hula ng mga marites.

Nasundan pa ang pagiging uzizero ng mga netizen nang mag-post si Sandro sa kanyang Instagram ng sad face emoji kasama ang quote na, “God is never late. He sees the cries of the helpless and He will heal, provide, lead, and saved. Trust in Him.”

At dito na naikonek ng netizens ang kumakalat na blind item ukol sa newbie actor na umano’y pinagsamantalahan ng dalawang TV executive na nangyari raw sa hotel na may ginanap na showbiz event kamakailan.

At kahaponN, isang cryptic message naman ang ipinost ni Niño sa kanyang Facebook na may konek sa post ni Sandro.

INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …